Life Lessons

Manny, same-sex marriage, at Nike

Image by Pixel Offensive
Manny, same-sex marriage, at Nike
Rolando B. Tolentino

Life lessons matapos ang bigot remark ni Manny Pacquaio on same-sex marriage and non-straights, at ang pag-drop sa kanya ng Nike bilang endorser dahil sa kanyang “abhorrent” remarks:

una, daming dapat mag-google muna ng definitions ng bigot at abhorrent dahil key terms ito sa understanding ng mga isyu;

ikalawa, kay Pacquiao, wala naman dapat kontra sa remarks mo, sa paninindigan mo–dahil iyo iyon–ang kontra-punto ay unresonable ang iyong remark (lalo na kung ang target ay isang marginalized sector din), at ayaw mo ng kontraryong pananaw (ito powhz ang bigot);

ikatlo, sa Nike, kung tunay na “detestable, hateful, loathsome, despicable, abominable, execrable, repellent, repugnant, repulsive, revolting, disgusting, distasteful, horrible, awful, reprehensible, obnoxious, odious, nauseating, offensive, contemptible” ang sinabi ni Pacquiao kaya nga nyo siya drinop bilang product endorser, di ba ito rin ang “abhorrent” sa kondisyon ng mga manggagawa sa pabrika sa Third World, o ang gamit ng child labor?;

ikaapat, kahit pa ikontextualisa ang sinabi ni Pacquiao sa liberal nitong pananaw sa P125 daily wage increase o repeal ng PNoy veto sa SSS pension increase, ito naman ang pinag-uusapan, wala namang larger context pa dahil lumilinaw na dapat di na ito mamayagpag pa bilang national politician (at kung mangyari man at malamang mangyayari naman, parating may hugot sa sandaling ito);

ikalima, di pala krimen ang maging bigot dahil di ka pwedeng parusahan sa paggawa nito, ostracize lang para di na ulitin pa nya o ng iba, learning lesson na sa mundo, nakapag-move on na ang caveman na di pukpukin ang ulo ng sinta para maangkin nya ito tungo sa isang lipunang walang diskriminasyon, at may tolerance;

ikaanim, kay Pacquiao at sa iba pang bigots, don’t hate, appreciate!;

ikapito, sa Nike, “just do it” with “it” equals “the right thing” (just wages, humane working conditions, regularization not contractualization of workers, no child and prison labor, etc. etc.);

at ikawalo, ang paradigm na po ay di na LGBT kundi SOGIE (sexual orientations and gender identities and expressions, ang asignasyon sa mas pluralidad at non-permanence ng kasarian at sexualidad) dahil mas may fluidity ito kaysa sa tendensiya ring maging hetero- at homo-normative ng LGBT.

Life Lessons
Rolando B. Tolentino

Writer and critic Rolando B. Tolentino is a a board member of AlterMidya & a professor at the University of the Philippines Film Institute. 'Life Lessons' are short & straightforward musings on culture & timely issues.

More in Life Lessons

Akusasyon sa mga magsasaka ng Kidapawan massacre bilang ginamit lang ng Kaliwa

Rolando B. TolentinoApril 8, 2016

Ang pangalawang presidential debate

Rolando B. TolentinoMarch 21, 2016

Bakit dapat minamahal ang babae?

Rolando B. TolentinoMarch 4, 2016

Ang Oscar Awards 2016

Rolando B. TolentinoMarch 1, 2016

Ika-30 anibersaryo ng EDSA

Rolando B. TolentinoFebruary 28, 2016

Altermidya (People’s Alternative Media Network) is a national network of independent and progressive media outfits, institutions and individuals in the Philippines.

Copyright © 2015 | People's Alternative Media Network