‘Balatkayong serbisyo’: Planong aktibidad ng Task Force Ugnay, inalmahan ng mga magsasaka ng Lupang Ramos

Sa pusod ng syudad ng Dasmariñas, Cavite, matutunton ang 372-ektaryang Lupang Ramos, isang lupaing mahigit isang siglo nang iginigiit ng mga magsasakang mapasakanila. Mula sa mga Kastilang prayle, mga Amerikano, hanggang sa pamilya ng negosyanteng si Emerito Ramos, Sr., nagpalipat-lipat sa...