Akusasyon sa mga magsasaka ng Kidapawan massacre bilang ginamit lang ng Kaliwa
April 8, 2016

Una, ano ang akala nyo, tanga ang magsasaka na hindi sila pwedeng magmulat, kumilos at magmobilisa ng sariling hanay, na kailangan nila ang Kaliwa para gawin ito para sa kanila?

Ikalawa, kung hindi lumaban ang magsasaka— ginamit ang anuman maaring makakapagtanggol sa sarili— ay di mas lalong mas marami ang namasaker sa kanila, kayo kaya ang tutukan ng baril, luluhod at sasabihing heto pa rin po ang aking kabilang pisngi?;

Ikatlo, di ka naman magmamartsa, manghaharang ng kalsada, tatanghod sa bodega ng NFA (National Food Authority) kung may maitatanim sa bukid, may drought nga!, at matagal na itong alam at nangako nga ang gobyerno ng subsidyong bigas na hindi ibinibigay, ano pa ba ang gagawin?, di ba mas masayang nag-aantay na lang sa kubo at hinahatid ang delivery na rasyon?;

Ikaapat, so dahil “ginamit nga sila ng Kaliwa,” sinabitan agad ng DILG (Department of Interiors and Local Government) ng medalya ang mga pulis na pumaslang sa Kidapawan farmers, at kung gayon tama lang na pinaslang ang magsasaka?, ang bilis ng pagpanig sa kalaban ng magsasaka na hahayaang dustain pa sila at panindigan na collateral damage ang mga napaslang, nasugatan, ikinulong at inakusahan dito para lang tindigan na “ginamit kasi sila ng Kaliwa”?;

Ikalima, ano rin ang tingin nyo sa mamamayan, tanga rin?, na paniniwalaan ng mayorya ang fasistang lohika kaysa sa validong punto at pagkilos ng magsasaka at ng sumusuporta sa kanila?, sino ba ang sinuportahan nina Robin Padilla, Nora Aunor, Monique Wilson, Angel Locsin, Daniel Padilla, magkapatid na ang Anne at Jasmine Curtis, at iba pa?, di naman sila nagbigay ng bigas sa mga sinabitang pulis, tumimo sa idea ni DA (Department of Agriculture) Secretary Alcala na di naman lubos na gutom ang mga magsasaka sa kabukiran sa tagtuyot, o naki-hurt mode kay Gov. Lala Talino-Mendoza?;

Ikaanim, class war na po ito, ang makatarungang kahilingan ng mamamayan ay ginamitan ng dahas at handa ang buong makinarya ng gobyerno at estado ni PNoy na akusahan ang Kaliwa bilang salarin, at ang magsasaka bilang mangmang na masa, patayan po ito at ang dahas at ang mas malawakang tumutunggali rito ay lalong nagpapatibay sa kawastuhan ng social justice isyu na ito;

Ikapito, at least, ngayon, nag-level up ang friends sa Facebook, lahat ng naniwala sa fasistang lohika ay mouthpiece ng fasistang gobyerno at estado, at lahat ng nanahimik ay tahimik na troll na ang pag-aakalang nasa gitna lamang sila ay tasitong pagpanig pa rin sa estado— gandang resulta ng experimento ng event na ito: nalaglag ang dapat malaglag at di nagma-matter naman talaga ang tahimik na bulto ng bilang na friends kahit pa 5,000 pa ito;

Ikawalo, dahil walang tinapay sa mesa pag di aalsa ang masa, mas higit na walang tinapay sa mesa ng mismong masa pag di sila nag-alsa;

At ikasyam, matwid na tugunan lang ng estado ang #BigasHindiBala, at kung magawa ito, eh di mawawala ang hashtag, pero sa ngayon at sa naunang mga masaker ng magsasaka, nananatiling may dugo ang kamay ng mga gobyernong ito na muli’t muling ipapaalaala ng patuloy na pakikibaka ng magsasaka, kilusang magsasaka, at ng sambayanan.

Read more

Ambush on Abra mayoral candidate’s convoy kills two

Ambush on Abra mayoral candidate’s convoy kills two

By ARTEMIO DUMLAOwww.nordis.net BAGUIO CITY— Two people were killed, and another was injured after unidentified gunmen ambushed the convoy of Pidigan mayoralty candidate and former Langiden Mayor Artemio “Billy Boy” Donato Jr. on Friday afternoon, February 28, at...

Seach continues for two missing activists in Bicol

Seach continues for two missing activists in Bicol

LEGAZPI CITY - Families of the victims, Karapatan Bikol, Hustisya, and Desaparecidos reiterate the call to urgently and safely surface Felix Salaveria Jr., James Jazmines, and all victims of enforced disappearances, March 1. It has been six (6) months since their...

Want to stay updated?

Pin It on Pinterest

Share This