Ang pangalawang presidential debate
March 21, 2016

Life lessons matapos ang pangalawang presidentiable debate sa UP Cebu:

Una, handa si Grace pero mas nagiging mainstream ang kanyang mga ideas hinggil sa charter change para sa economic provisions at pro-death penalty, laglag si Binay, nauubusan na ng gustong sabihin si Duterte, pabibong nahuhuli sa bibig si Mar;

Ikalawa, lumalabas na walang perfektong kandidato sa strange mix ng tumatakbo, at baka ito ang nagpapaangat kay Mar dahil isa-isa nang sumasabit at siya naman ay matagal nang may sabit na, baka ito pa ang umangat;

Ikaatlo, kung titignan ang buzz sa social networks, gitnang uri ang may take claim at interes sa debate, kahit alam nilang hindi naman sila ang maghahalal;

Ikaapat, sa nangyaring sikuhan at laglagan ngayon, parang nakapanood ang mga kandidato ng democratic at republican presidential debates sa US, na sa pagkaalaala ko, hindi naman nangyari sa last presidential campaign dito sa atin—talagang kapag uso sa Amerika, uso na ring i-televise sa Pinas;

Ikalima, kawawa ang masa dahil sila dapat ang may larger stake at claim pero wala namang may pagbanggit sa kanila at kanilang partikular na abang lagay maliban sa pangangako na gagawin kapag nahalal o iboto nyo ako dahil may karanasan ako, na sa punto-de-bista ko, ganito na lang parati ang refrain sa kanta tuwing presidential election;

Ikaanim, na ang behind-the-scene sa ngalan raw ng transparency ng TV5 ay nagpa-reduce sa debate sa antas ng reality TV na political kind: ang anumang issue orientation ay lalo pang sumadsad sa antas ng cutesy remarks ng tatlong presidentiable na nasa entabladong binabati ang kanilang mga kakilala, may gad naman!;

Ikapito, kung ganito ang kalibre o kawalan ng kalibre ng debate, God save us o “Masses, save us!”

Read more

Ambush on Abra mayoral candidate’s convoy kills two

Ambush on Abra mayoral candidate’s convoy kills two

By ARTEMIO DUMLAOwww.nordis.net BAGUIO CITY— Two people were killed, and another was injured after unidentified gunmen ambushed the convoy of Pidigan mayoralty candidate and former Langiden Mayor Artemio “Billy Boy” Donato Jr. on Friday afternoon, February 28, at...

Seach continues for two missing activists in Bicol

Seach continues for two missing activists in Bicol

LEGAZPI CITY - Families of the victims, Karapatan Bikol, Hustisya, and Desaparecidos reiterate the call to urgently and safely surface Felix Salaveria Jr., James Jazmines, and all victims of enforced disappearances, March 1. It has been six (6) months since their...

Want to stay updated?

Pin It on Pinterest

Share This