Bakit dapat minamahal ang babae?
March 4, 2016

Life lessons kung bakit dapat minamahal ang babae:

Una, lahat tayo ay may mahahalagang babae sa buhay (ina, kapatid, lola, kaibigan, best friend, pinsan, iniidolo, etc.), kung wala sila, wala tayo;

Ikalawa, at tama si Mao Zedong, sila ang may tangan ng kalahati ng langit, kumakalinga ng tahanan, katuwang sa pabrika at bukid, namamahala ng masang organisasyon, institusyong edukasyon, kultural at syentifiko, korporasyon, komunidad, bansa at mundo;

Ikatlo, bakit, kaya ba ng kalalakihan ang dinadanas ng babae araw-araw, buwanan, kada taon, at ang mga dagdag na pasanin na sila lang ang pinapaako (panganganak, child care at housework na walang bayad, pagkasya sa sweldo ng lalake, pag-contribute sa breadwinning, etc.)?;

Ikaapat, paano ka magiging masaya kung may nadedehado at dinarahas sa lipunan (isa sa tatlong babae sa mundo ay makakaranas ng pandarahas at panggagahasa sa kanyang buhay, OBR [One Billion Rising} na!)?;

Ikalima, 21st century na, buksan ang pag-iisip, i-level up ang pag-uugali, huwag nang mabuhay sa Paleolithic, Dark at Medieval Ages, bawat tao, may karapatan at pantay ang mga karapatan;

Ikaanim, kailangan ng mabubuting babae para maging mabubuting tao, hanggat hindi bumubuti ang kanilang lagay, walang mabuting pamayanan na maituturing ang lahat;

Ikapito, walang tunay na kalayaan hanggat may sistemiko’t sistematikong di-kapantayan, diskriminasyon, karahasan laban sa malaki at maliit na bahagi ng lipunan at mundo;

Ikawalo, kung tunay na may kapantayan, pantay din ang babae at iba pang sektor na makanasa, managinip, mangarap, makibaka, at magtagumpay para sa mas magandang bukas.

At ikasiyam, na pag binati mo, “Happy women’s day!,” binabati mo sila sa araw na kanila na dapat ay araw-araw ay kanila at sa iyo, at sa lahat ng naninindigan sa kapantayan at kalayaan.

Read more

Ambush on Abra mayoral candidate’s convoy kills two

Ambush on Abra mayoral candidate’s convoy kills two

By ARTEMIO DUMLAOwww.nordis.net BAGUIO CITY— Two people were killed, and another was injured after unidentified gunmen ambushed the convoy of Pidigan mayoralty candidate and former Langiden Mayor Artemio “Billy Boy” Donato Jr. on Friday afternoon, February 28, at...

Seach continues for two missing activists in Bicol

Seach continues for two missing activists in Bicol

LEGAZPI CITY - Families of the victims, Karapatan Bikol, Hustisya, and Desaparecidos reiterate the call to urgently and safely surface Felix Salaveria Jr., James Jazmines, and all victims of enforced disappearances, March 1. It has been six (6) months since their...

Want to stay updated?

Pin It on Pinterest

Share This