FACT CHECK: ‘New Bataan 5’ hindi raw minasaker?
March 21, 2022

Sa balitang inilathala ng Philippine News Agency (PNA) sa kanilang website noong Pebrero 28, pinasubalian nito ang opisyal na pahayag ng Save Our Schools Network (SOS Network) na pinatay sa masaker ang mga boluntir na guro ng mga Lumad na sina Chad Booc, Gelejurain Ngujo II, at tatlong iba pa, na tinaguriang “New Bataan 5.”

Ayon sa ulat ng PNA, sinabi daw ng grupong “Youth for Peace Movement” na nakabase sa New Bataan, Davao de Oro na ang pagkamatay ng New Bataan 5 ay dahil sa armadong sagupaan ng puwersa ng militar at ng New People’s Army (NPA). Dagdag pa ng PNA, ang mga paaralan ng mga katutubong Lumad ay “breeding ground” ng mga “rebeldeng komunista,”at inaakusahan pang “NPA recruiter” ang mga nasawing guro.

ANG SABI-SABI:

Ayon sa PNA, hindi daw minasaker ang ‘New Bataan 5’

MARKA:

Hindi Totoo

ANG KATOTOHANAN:

Upang kontrahin ang pahayag ng SOS Network na nagsasabing masaker ang ikinamatay ng New Bataan 5, binanggit ng PNA sa kanilang ulat ang pahayag ng di umano’y grupo ng mga kabataan na nakabase sa lugar kung saan nangyari ang insidente. Ngunit walang konkretong ebidensyang kalakip ang nasabing pahayag para mapabulaanan ang alegasyong masaker. Sa halip, serye ng mga salaysay lamang ang ipinrisenta sa balita.

Suportado ng matibay na ebidensya at ng mga nakasaksi ang pahayag ng SOS Network, kasama na rito ang text messages na ipinadala ni Elgyn Balonga, ang community health worker na isa sa mga pinaslang, na ipinadala gabi bago mangyari ang insidente. Ayon sa SOS Network, ang mga boluntir na guro ay nagpunta sa Davao de Oro upang magsagawa ng “survey at environment scanning” sa mga paaralan ng mga Lumad na ipinasara sa Davao province para paghandaan ang muling pagbubukas ng mga ito.

BAKIT KAILANGAN I-FACT-CHECK:

Ang pagpatay sa mga boluntir na guro ng mga Lumad ay dagdag lamang sa humahabang listahan ng mga paglabag sa karapatang pantao sa nagdaang mga taon. Mula pa noong 2017, mahigit 500 nang paaralan ng mga Lumad ang inatake ng militar. Dahil dito, napipilitan ang mga estudyante at mga tagapangasiwa ng mga paaralan na magtayo ng bakwit (evacuation) schools sa iba’t ibang bahagi ng bansa bago pa ang pandemya.

Ang PNA — isang government-owned news media company sa iilalim ng Presidential Communications Operations Office, na pinopondohan mula sa buwis ng mga Pilipino, ay agad na naglabas ng ulat na nagsasabing may naganap na armadong engkwentro sa New Bataan kahit na kulang ito sa ebidensya at hindi dumaan sa tamang proseso beripikasyon ang kanilang ulat. Dahil dito, lumalakas ang panawagan para sa ‘independent investigation’ kaugnay ng insidente.Maez Estrada at Joseph Gloria

Bahagi ang Altermidya Network ng #FactsFirstPH, na pinagsasama-sama ang iba’t ibang sektor na nakatuon sa pagtataguyod ng katotohanan sa pampublikong espasyo, at paghingi ng pananagutan sa mga nananakit dito sa pamamagitan ng kasinungalingan. Para sa mga interesadong sumali sa inisyatiba, mag-email sa info@factsfirst.ph.

Magbasa ng iba pang artikulo rito:

Read more

Ambush on Abra mayoral candidate’s convoy kills two

Ambush on Abra mayoral candidate’s convoy kills two

By ARTEMIO DUMLAOwww.nordis.net BAGUIO CITY— Two people were killed, and another was injured after unidentified gunmen ambushed the convoy of Pidigan mayoralty candidate and former Langiden Mayor Artemio “Billy Boy” Donato Jr. on Friday afternoon, February 28, at...

Seach continues for two missing activists in Bicol

Seach continues for two missing activists in Bicol

LEGAZPI CITY - Families of the victims, Karapatan Bikol, Hustisya, and Desaparecidos reiterate the call to urgently and safely surface Felix Salaveria Jr., James Jazmines, and all victims of enforced disappearances, March 1. It has been six (6) months since their...

Want to stay updated?

Pin It on Pinterest

Share This