Pamilya, nanawagang ilitaw ang Taytay 2
May 22, 2023

Mahigit dalawang linggo makalipas ng pagkawala ng dalawang indigenous peoples’ rights advocates, nanawagan ang kanilang mga pamilya na ilitaw na ang dalawa. Pinaghihinalang kinuha ang dalawa ng mga puwersa ng estado.

Sinasabing tanda ng pananakot at intimidasyon ng estado ang pagkawala nila sa mga indibidwal na kumikilos para sa kapakanan ng mga katutubo at inaapi.

Ayon sa pamilya ng dalawa, parehong naging lider-estudyante at aktibista sina Dexter Capuyan at Gene Roz Jamil de Jesus na nagsusulong sa karapatan ng mga katutubo. Staff ng Philippine Task Force on Indigenous Peoples Rights (TFIP) si de Jesus at isang dating aktibista sa Kordilyera si Capuyan.

Ayon kay Beverly Longid ng Katribu, kinuha umano ng mga kalalakihang nagpakilala bilang mga operatiba ng Criminal Investigation and Detention Group (CIDG) gamit ang tatlong sasakyan.

Nanawagan din ang Cordillera Human Rights Alliance sa Commission on Human Rights na magkondukta ng isang independent investigation sa pagkawala nina Capuyan at de Jesus tungo sa kanilang agarang paglitaw. /Cecille Baello

Read more

The Many Faces of Teresita Abarratigue

The Many Faces of Teresita Abarratigue

By Frenchie Mae Cumpio You would find her at her usual spot even in detention. A five-by-three-meter parcel of land designated as the garden for political prisoners in the Correctional Institution for Women (CIW) in Mandaluyong City, now filled  with vegetable...

Want to stay updated?

Pin It on Pinterest

Share This