Abogadong nakaligtas sa EJK, ginawaran ng parangal
August 26, 2022

Atty. Angelo Karlo Guillen

Ginawaran ng 2022 Roger N. Baldwin Medal of Liberty si Atty. Angelo Guillen, pangkalahatang kalihim ng National Union of Peoples Lawyers – Panay. Siya ang unang Pilipinong nakatanggap ng pagkilala mula sa Human Rights First, isang non-governmental organization sa Estados Unidos.

Isa si Guillen sa mga nagsampa ng petisyon sa Korte Suprema para tutulan ang Anti-Terrorism Law.  Pangunahing din siyang humawak sa mga kaso ng paglabag sa karapatang pantao ng mga magsasaka, unyonista, at maralita sa isla ng Panay.

“Indigenous peoples, like the Tumandok community, as well as farmers, labor leaders, and activists, have borne the brunt of unjust arrests, extrajudicial killings, and other human rights violations committed by state security forces that, to this day, still take place throughout the country. Their rights must be protected, and we hope that this recognition will help bring attention to their plight,” ayon kay Guillen.

Matagal nang target si Guillen ng paniniktik, harassment at pandarahas sa ilalim ng administrasyong Duterte. Noong Marso ng nakaraang taon, dalawang beses na sinaksak si Guillen at natagpuan na may screwdriver sa pisngi. Pinaghihinalaang ang tangkang pagpatay sa kanya ay kaugnay ng sunud-sunod na pagpatay sa mga lider ng mga progresibong organisasyon at mga katutubo sa Panay.

Mula 2016, mahigit 60 na ang bilang ng mga pinatay na abogado sa Pilipinas, kabilang sina Benjamin Ramos ng Negros Occidental at Joey Luis Wee ng Cebu. Sa mga kasong ito, mahigit lima lang ang umaabot sa korte at nahatulan ang mga may sala.

Ang pagkilala kay Guillen ay isang karangalan para sa lahat ng abogadong nagtataguyod ng karapatang pantao sa Pilipinas. Ayon sa Korte Suprema, ang atake sa mga hurado at abogado ay atake sa hudikatura ng Pilipinas.

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

More stories

News in Pictures | Fil-Ams protest trilateral meeting in DC

News in Pictures | Fil-Ams protest trilateral meeting in DC

MANILA – Filipino-American activists protested Ferdinand Marcos Jr.’s visit to the United States for the first trilateral U.S.-Japan-Philippines leaders’ summit on April 11. The national day of action was led by the Bagong Alyansang Makabayan (Bayan)-US. Protests were...

Want to stay updated?

Pin It on Pinterest

Share This