AFP, PNP, inisnab ang atas na ilabas ang 2 nawawalang aktibista
July 21, 2023

Naghain ng petisyon para sa writ of habeas corpus ang mga kaanak nila Dexter Capuyan at Bazoo De Jesus sa CA laban sa PNP at AFP noong Hulyo 5. Larawan ni Junneth Dela Cruz.

Iniutos ng Court of Appeals (CA) sa bisa ang writ of habeas corpus na ilitaw ang mga indigenous people’s rights advocate na sina Dexter Capuyan at Bazoo De Jesus.

Nitong Hulyo 14, inatasan ng CA na iharap ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa korte ang dalawang aktibista ngunit hindi dumalo ang parehong ahensiya. Hindi raw natanggap ng PNP ang kopya ng nasabing resolusyon.

Naghain ng petisyon para sa writ of habeas corpus ang mga kaanak nila Capuyan at De Jesus sa CA laban sa PNP at AFP noong Hulyo 5.

Nagpahayag naman ng pagkadismaya ang Philippine Task Force for Indigenous Peoples’ rights (TFIP) sa hindi pagdalo ng PNP at AFP sa pagdinig.

Ayon sa kanila, taktika ng pulisya at militar ang hindi nila pagdalo upang mapatagal ang proseso ng paglitaw nila Capuyan at De Jesus.

“We are deeply alarmed by these delaying tactics of the police and military obstructing the immediate and safe surfacing of Bazoo and Dexter 77 days after their abduction,” wika ni TFIP campaign and advocacy officer Tyron Beyer.

Iginiit din TFIP na panagutan at sumunod ang dalawang ahensiya sa itinakda ng korte.

Inaasahan sa susunod na buwan ang bagong itinakdang araw para sa pagdinig ng CA. Jamie Mikaella Vargas/pinoyweekly.org

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

More stories

Silang umaasa sa pasada

Silang umaasa sa pasada

Kristen Nicole Ranario, Ma. Emmylou SolidumPinoy Weekly Hindi maipagkakaila, mga jeepney ang nagsisilbing sandigan ng karaniwang Pilipino upang makipagsapalaran sa karera ng buhay. Sa mas abot-kayang pamasahe at mga rutang kayang-kayang hagilapin, saktong-sakto ito sa...

Want to stay updated?

Pin It on Pinterest

Share This