Sa pagitan ng tulog at higaan
Ay hindi ang kayakap na kumot
Sa gabing sa lamig ibinalot
O ang unan na saksi
Sa mga binitawang luha at pighati
Dahil ang pagitan
Ay higit pa sa kanyang sukatin—
Ang mga bakit, sana at alin—
Mag-uumpisa sa alaala nila
At kapag malapit na antukin
Ay iisipin
na kayo
ang pupuno
sa espasyo
na nasa pagitan
mula umpisa
hanggang katapusan.
Agosto 2024
———————————————————————-
Si Frenchie Mae Cumpio ay 26-taong gulang na community journalist na ipinakulong sa Tacloban City noong February 7, 2020, kasama ang church worker na si Marielle Domequil, sa bisa ng mga gawa-gawang kasong illegal possession of firearms, illegal possession of explosives, at financing terrorism. Siya ay nagsilbing executive director ng alternative media outfit na Eastern Vista at anchor ng programang Lingganay han Kamatuoran (Kampana ng Katotohanan) na umere sa Aksyon Radyo Tacloban.
Napawalang-sala ang dalawa sa mga kasong illegal possession of firearms and explosives, nguntin hinatulang “guilty” sa financing terrorism. Nagpapatuloy ang laban para palayain siya at ibasura ang mga kaso laban sa Tacloban 5.

![Sa pagitan ng tulog at higaanAy hindi ang kayakap na kumotSa gabing sa lamig ibinalotO ang unan na saksiSa mga binitawang luha at pighati Dahil ang pagitanAy higit pa sa kanyang sukatin—Ang mga bakit, sana at alin—Mag-uumpisa sa alaala nilaAt kapag malapit na antukinAy iisipinna kayoang pupunosa espasyona nasa pagitanmula umpisahanggang katapusan. Agosto 2024 ———————————————————————- […]](https://www.altermidya.net/wp-content/uploads/2026/01/Ang-Espasyo.jpg)







