BINAGONG VIDEO: Pinagalitan daw ng isang ‘Father Tandag’ si VP Leni Robredo at Sen. Kiko Pangilinan sa isang misa
April 25, 2022

Isang video mula sa TikTok account na si @bradd.tonski ang kumakalat ngayon kung saan ipinapakita na pinapagalitan daw ng isang “Father Tandag” sina Vice President Leni Robredo at Senador Francis ‘Kiko’ Pangilinan, na kumakandidato bilang pangulo at pangalawang pangulo.

May kalakip na caption ang video na, “Sa wakas, may pari din pala na rumerespeto sa Diyos. Nasermonan sina Leni at Kiko. ‘Yan napala n’yo #LeniKiko. I salute you Father.

Ang parehong kwento na laman ng video ay nilalaman din ng isang artikulo na isinulat ni Marlon Purificacion na inilathala ng Journal News noong Marso 13, kung saan idinagdag pa ni Purificacion na “kumakalat pa rin sa social media ang tsismis na napahiya si Robredo” sa naturang misa.

ANG SABI-SABI:

Pinagalitan ni “Father Tandag” si Leni Robredo at Kiko Pangilinan

 

ANG MARKA:

BINAGONG VIDEO

 

ANG KATOTOHANAN: 

Ang video na inilabas sa Tiktok ay isang maikli at pinagdugtong-dugtong na mga bahagi ng homily ni Bishop Raul Dael ng Roman Catholic Diocese ng Tandag sa Surigao del Sur. Ang misa ay nangyari noong bumisita sina Robredo at Pangilinan sa siyudad noong Marso 8. Ang orihinal na video ng homily ay tumagal ng 13 minuto at ilang bahagi lamang ang pinili para magsilbi sa naratibo na pabor sa isang partikular na kandidato. Sa ilang bahagi ng video ay nagpakita ng litrato ni Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., kahit na hindi naman patungkol sa kanya ang naturang homily.

Sa bandang 2:28 hanggang 2:33 timestamp din ng edited na video, ipinakitang sinasabi ni Bishop Dael na “If Bongbong will come here and ask for the mass, I will give it to him,” bago ito putilin. Sa orihinal na video ng homily, sa bandang 10:14 hanggang 10:25, maririnig na may karugtong pa ito na, “If Lacson will come, I will give it to him. The Church is always giving space and fairness to everyone.” Dala ng pagkakaputol ng video, pinagmukhang pabor sa kampo ni Marcos, Jr. ang mensahe ng obispo. Bago ang mensahe na ito, ipinahayag din ni Bishop Dael na wala siyang ineendorsong kandidato ngayong eleksyon.

Sa bandang dulo din ng misa ay ipinahayag ng obispo na mahalaga ang boto ng bawat isa at hindi dapat ito ibenta. Ika niya, “your vote is not only your right — your vote is also your power.”  

BAKIT KAILANGAN I-FACTCHECK: 

Kasalukuyang may higit sa 7.2 million views, 532,400 likes, 10,400 comments, at 25,800 shares ang naturang video sa Tiktok. Ang mismong user na si @bradd.tonski ay may higit sa 15,500 na followers sa TikTok at karamihan ng kanyang mga bidyo ay naglalaman ng iba’t ibang porma ng fake news.

Si Marlon Purificacion na nagsulat ng artikulo na may parehong sabi-sabing laman ng video ay mapapansing may nakapaglabas na rin ng mga artikulong napatunayang hindi totoo. Ang Journal News ay pagmamay-ari ni Leyte 1st District Representative Ferdinand Martin Romualdez, na pinsan ng katunggali sa eleksyon ni Robredo na si Marcos Jr. — Lyka Naranjo & Philip Mateo

Bahagi ang Altermidya Network ng #FactsFirstPH, na pinagsasama-sama ang iba’t ibang sektor na nakatuon sa pagtataguyod ng katotohanan sa pampublikong espasyo, at paghingi ng pananagutan sa mga nananakit dito sa pamamagitan ng kasinungalingan. Para sa mga interesadong sumali sa inisyatiba, mag-email sa info@factsfirst.ph

Magbasa ng iba pang artikulo rito:

Read more

Solons reject impeachment raps against Marcos Jr.

Solons reject impeachment raps against Marcos Jr.

By Raymund B. Villanueva Kodao Productions MANILA – Ferdinand Marcos Jr. dodged the impeachment bullet as a congressional committee overwhelmingly voted to declare the two complaints against him as “insufficient in substance.” Voting 42 in favor of the motion of...

Walang kukurap sa laban kontra-korap 

Walang kukurap sa laban kontra-korap 

Ni M.A. ABRILPinoy Weekly Mahiya naman kayo!” patama ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang ikaapat na State of the Nation Address sa mga opisyal ng gobyerno at kontratistang sangkot sa mga maanomalyang flood control project. Sinundan ito ng hiyawan. Hindi raw...

Kaso vs 7 inaresto sa Dupax del Norte, ibinasura

Kaso vs 7 inaresto sa Dupax del Norte, ibinasura

Ni CHARLES EDMON PEREZPinoyweekly.org Ibinasura ng Regional Trial Court (RTC) Branch 30 sa Bambang, Nueva Vizcaya ang mga kasong resistance and disobedience against persons in authority at obstruction of justice laban sa pitong dinampot ng pulisya noong Ene. 23 sa...

Want to stay updated?

Pin It on Pinterest

Share This