Videos

ALAB Analysis: Maharlika Fund, mabuti ba sa ekonomiya?

Ngayong linggo, nasaksihan natin kung paanong sa kabila ng mariing pagtutol ng iba’t ibang grupo, niratsada pa rin ng Senado ang pagpasa sa Senate Bill No. 2020 o ang Maharlika Investment Fund Bill. Ang tanong: bakit ba ganoon na lang ang pagmamadaling maipasa ang panukalang ito? Makabubuti nga ba ang Maharlika sa ekonomiya?

El Niño: Krisis sa Klima at Pagkain | ALAB Analysis

Sa darating na mga buwan, muling mananalasa ang El Niño hindi lang sa Pilipinas kundi pati sa maraming bahagi ng mundo. Hindi ito ang unang beses na makararanas tayo ng matinding tagtuyot, at pinangangambahang malaki ang magiging pinsala nito lalo na sa agrikultura. Paano nga ba dapat maghanda para dito ang gobyerno?

SOUNDBYTES: Comfort woman vs military exercises

Tila posturang gera ang US dahil sa laki ng Balikatan exercises sa bansa sa susunod na linggo. Ano ang masasabi ni Lola Narcisa, isang comfort woman noong panahon ng World War II, sa military exercise na ito? https://www.youtube.com/watch?v=xcDH6mEUVkM

Gayaman Aeta Learning Center

Isang learning center ng mga Aeta sa Tarlac ang patuloy na umaagapay sa edukasyon, hindi lang ng kabataan, kundi pati ng mga nakatatanda. https://www.youtube.com/watch?v=KIZjP0rSalo

Transport strike laban sa jeepney phaseout

Balikan ang unang araw ng transport strike at mga protesta sa buong bansa para sa panawagang #notojeepneyphaseout https://www.youtube.com/watch?v=AvCfgtvcHs0&pp=ygUrIFRyYW5zcG9ydCBzdHJpa2UgbGFiYW4gc2EgamVlcG5leSBwaGFzZW91dA%3D%3D

PAKI-EXPLAIN: U.S. Military Bases sa Pinas

Nabalita kamakailan na planong dagdagan ang "agreed locations" ng US military sa Pilipinas. Sa gitna ng sigalot sa West Philippine Sea, bakit gustong palawakin ng Estados Unidos ang presensya nito sa bansa? Ano ang epekto nito sa soberanya natin? Sasagutin lahat 'yan...

Lupang pangako, muling mapapako?

Sumugod ang mga magsasaka ng Tinang sa tanggapan ng DAR para singilin ang pangakong binitawan ni Agrarian Reform Sec. Conrado Estrella III na installation ng mga Agrarian Reform Beneficiaries ng Tinang.

Want to stay updated?

Pin It on Pinterest