Dalawang kabataang aktibista, dinukot sa Isabela
September 17, 2024

Ni AXELL SWEN LUMIGUEN
Pinoy Weekly

Dinampot ang dalawang organisador ng mga magsasaka na sina Andy Magno at Vladimir Maro ng hinihinalang mga puwersa ng estado sa bayan ng San Pablo, Isabela nitong Set. 11. 

Isang development studies graduate at dating lider ng makakalikasang grupong Minggan sa University of the Philippines Manila si Magno, habang miyembro naman si Maro ng Migrante Youth.

Sina Magno at Maro ang ika-16 at 17 kaso ng pagdukot ng estado sa ilalim ng rehimen ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Kaugnay nito, panawagan ng mga progresibong grupo ang agarang paglitaw nina Magno at Maro, maging sa iba pang mga dinukot at iwinala ng mga ahente ng pamahalaan.

Nitong nakaraang buwan lang, tatlong kaso ng sapilitang pagkawala ang naitala mula sa pagkawala nina Rowena Dasig nitong Ago. 24, James Jazmines nitong Ago 23 at Felix Salaveria Jr. nitong Ago. 28.

Read more

Nagpapakain sa bayan, dinadahas, pinapatay

Nagpapakain sa bayan, dinadahas, pinapatay

Ni AXELL SWEN LUMIGUEN, TRISHA ANNE NABORPinoy Weekly Ilang araw bago ang paggunita sa Buwan ng mga Magbubukid ngayong Oktubre, pinatay ang mga magsasakang sina Roger Clores at Ronnel Abril ng 2nd Infantry Battalion ng Philippine Army (IBPA) sa Uson, Masbate noong...

Pagigiit ng katiyakan sa trabaho sa Nexperia, tagumpay

Pagigiit ng katiyakan sa trabaho sa Nexperia, tagumpay

Ni JULIANE BERNADINE DAMASPinoy Weekly Matapos ang mahabang pakikipaglaban sa hindi makatarungang tanggalan at paglabag sa collective bargaining agreement (CBA), ipinahayag ng Nexperia Philippines Inc. Workers Union (NPIWU) ang tagumpay sa pagigiit nito ng katiyakan...

Want to stay updated?

Pin It on Pinterest

Share This