FACT CHECK: Bawal magsuot ng campaign accessories sa loob ng voting precinct
May 10, 2022

Noong Mayo 9, araw ng halalan, nagbahagi ng isang Facebook post ang isang nagngangalang Jeremae Matoza na inuulat ang pagsusuot ng isang poll watcher ng campaign paraphernalia sa loob ng Polling Precinct No. 0878A sa Parang Elementary School, Brgy. Parang, Marikina City.

Sa post ni Matoza, ibinahagi niya ang isang video at larawan kung saan makikita ang poll watcher na suot-suot ang baller na ipinamimigay noong kampanya ng grupo ni vice presidential candidate Sara Duterte.

Ayon pa kay Matoza, kinukumbinsi pa ng poll watcher ang ibang botante na iwan na sa mga kasamahan niyang poll watcher ang mga balota para sa sila na ang magpapasok sa vote counting machine (VCM) dahil naghihintay ang mga botante noong mga oras na iyon para sa pagdating ng VCM.

ANG SABI-SABI:
Campaign accessories, bawal isuot sa loob ng voting precinct

MARKA:
TOTOO

ANG KATOTOHANAN:
Nakasaad sa Omnibus Election Code Article X, Section 79 B na ang lantarang pagpapakita ng suporta pabor sa isang kandidato sa araw ng halalan, sa publiko direkta man o hindi ay mahigpit na ipinagbabawal.

Batay sa panayam ng Altermidya sa Facebook user na nagbahagi ng post, hindi lamang ang poll watcher na nasa larawan ang may suot ng baller ng tambalang Marcos-Duterte. Sa pag-oobserba niya, halos lahat ng mga poll watcher sa nasabing presinto ay may suot na ganitong campaign paraphernalia.

Dagdag ni Matoza, higit walong oras naghintay ang mga botante para maipasok ang kanilang balota sa VCM dahil nagkasira ito maaga pa lang nang araw ng halalan. Ito ang dahilan kung bakit ineengganyo ng mga poll watcher na naka-baller para kay Sara Duterte na iwan na sa kanila ang mga balota at hayaan nang sila na lang ang magpasok ng mga ito sa VCM.

BAKIT MAHALAGA I-FACT CHECK?
Hindi lamang sa barangay na nabanggit naiulat ang ganitong iregularidad sa lungsod ng Marikina. May mga naiulat din na iregularidad sa Malanday, Sto. Niño at Barangka kung saan pareho ang pagpipiliang ipinipresinta sa mga nakapilang botante – ang maghintay na maayos ang VCM upang personal nilang mai-feed ang balota sa makina o ang pag-iwan na lang ng kanilang nasagutang balota sa mga poll watcher at hayaang sila na lang ang magpasok nito sa makina kapag gumagana na ito. – Lhesly Charm L. Matias

Ngayong #Halalan2022, kaagapay ng Altermidya Network ang Kontradaya at #VoteReportPH sa pagbabantay ng ating boto! Para mag-ulat ng mga isyu sa mga presinto at mga kaso ng dayaan, panggigipit sa mga botante, at iba pang anomalya, magpost sa social media gamit ang hashtag na #Kontradaya at #VoteReportPH, o i-fill up ang incident form na makikita sa mga link na ito: https://forms.gle/mQo7FpF2JcKriHpM9 o https://tinyurl.com/VRPH2022

Bahagi ang Altermidya Network ng #FactsFirstPH, na pinagsasama-sama ang iba’t ibang sektor na nakatuon sa pagtataguyod ng katotohanan sa pampublikong espasyo, at paghingi ng pananagutan sa mga nananakit dito sa pamamagitan ng kasinungalingan. Para sa mga interesadong sumali sa inisyatiba, mag-email sa info@factsfirst.ph

Magbasa ng iba pang artikulo rito:

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

More stories

News in Pictures | Fil-Ams protest trilateral meeting in DC

News in Pictures | Fil-Ams protest trilateral meeting in DC

MANILA – Filipino-American activists protested Ferdinand Marcos Jr.’s visit to the United States for the first trilateral U.S.-Japan-Philippines leaders’ summit on April 11. The national day of action was led by the Bagong Alyansang Makabayan (Bayan)-US. Protests were...

Want to stay updated?

Pin It on Pinterest

Share This