FACT CHECK: Ipinagbawal ni dating diktador Marcos ang child labor?
March 29, 2022

Isang TikTok video na muling in-upload sa Facebook page na ‘Uniteam Bbm-Sara’ ang nagpapakita ng isang listahang ikinukumpara ang nagawa ni dating diktador Ferdinand Marcos at ng mga presidenteng sumunod sa kanya. Sa 00:29 marka ng TikTok video, sinabing ipinagbawal ni Marcos ang child labor sa kaniyang termino, isang isyu hindi daw binigyang-pansin ng mga sumunod na presidente ng bansa.

ANG SABI-SABI:

Ipinagbawal ni dating diktador Ferdinand Marcos ang child labor sa bansa noong nanunungkulan siya

MARKA:

HINDI TOTOO

ANG KATOTOHANAN:

Salungat sa sinasabi ng video, si Marcos mismo ang naglabas ng Presidential Decree (PD) 148 noong 1973, na nagpahintulot magtrabaho ang mga batang nasa edad 14 hanggang 18 taong gulang.

Mula 1948, bahagi na ang Pilipinas ng International Labour Organization (ILO), na nagpasa ng Minimum Age Convention noong 1973. Imbes na ratipikahin ang nasabing kumbensyon, na nagtatakda sa edad 15 bilang minimum age requirement sa pagtatrabaho, nilagdaan ni Marcos ang PD 148 para payagan na magtrabaho ang mga batang may edad 14 para daw matulungang matugunan ang pagbulusok ng ekonomiya noong panahong iyon.

Noong 1974, inamyendahan ang PD 148 sa bisa ng Presidential Decree 442 o ang Labor Code of the Philippines, na nagtaas sa age of employment sa 15-anyos mula sa 14-anyos para sundin ang ipinatupad ng ILO. Gayunpaman, walang sapat na mga probisyon ang PD 442 para protektahan ang mga bata mula sa sapilitang pagtatrabaho kahit menor de edad pa lamang.

Niratipika lamang ng Pilipinas ang ILO Minimum Age Convention noong 1998, 12 taong matapos mapatalsik si Marcos.

BAKIT KAILANGAN I-FACT CHECK:

Walang kahit isang administrasyong nagdaan sa bansa ang epektibong nakatugon sa isyu ng child labor. Sa ulat ng US Department of Labor noong 2019, binanggit na bagamat ang Pilipinas ay may “moderate advancement” sa pagharap sa isyu ng child labor, bunsod ng pagsasabatas sa nagdaang mga taon ng ilang polisiya’t regulasyon na nakatutok sa isyu ng child labor, laganap pa rin umano ang ganitong isyu dahil sa maluwag na pagpapatupad sa batas at lumalalang sitwasyon ng ekonomiya. – Maez Estrada and Joseph Gloria

Bahagi ang Altermidya Network ng #FactsFirstPH, na pinagsasama-sama ang iba’t ibang sektor na nakatuon sa pagtataguyod ng katotohanan sa pampublikong espasyo, at paghingi ng pananagutan sa mga nananakit dito sa pamamagitan ng kasinungalingan. Para sa mga interesadong sumali sa inisyatiba, mag-email sa info@factsfirst.ph.

Magbasa ng iba pang artikulo rito:

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

More stories

Pagbuwag sa NTF-ELCAC, iginiit

Pagbuwag sa NTF-ELCAC, iginiit

Ni KRISTEN NICOLE RANARIOPinoy Weekly “Hindi kami terorista.” Ito ang diin ni Danilo Ramos, tagapangulo ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) sa harap ng midya noong Mayo 13 para kondenahin ang patuloy na pag-atake sa karapatang pantao at seguridad ng mga...

Want to stay updated?

Pin It on Pinterest

Share This