FACT CHECK: Dismayado nga ba ang lahat ng pasahero nang tanggalin ang ‘No Vax, No RIde’ policy?
March 18, 2022

Sa Facebook page na may pangalang “Usaping Bayan,” isang palabas na konektado sa Sonshine Media Network International (SMNI), isang video ang lumabas noong Pebrero 14 na nilagyan ng caption na, “Nanghinayang ang mga commuter sa pag-alis ng No Vax, No Ride policy, ayon sa I-ACT”.

Sa panayam ng SMNI Reporter na si Sheen Torno kasama ang Overall Commander of IATF Special Operations Unit na si Ret. Col. Manuel Bonnevie, nagbigay ng impormasyon si Bonnevie tungkol sa health protocols sa mga pampublikong transportasyon. Aniya, maraming pasahero ang dismayado sa desisyong tanggalin ang ‘No vax, No Ride’ policy sa National Capital Region matapos ang implementasyon ng Alert Level 2 nitong Pebrero.

Sa halip na patunayan ang sinabi ni Bonnevie, pinalabas lang SMNI Reporter na lahat ng mga pasahero ay dismayado sa pagtatanggal ng polisiya nang walang kinakapanayam na iba.

ANG SABI-SABI:

Dismayado ang lahat ng pasahero nang tanggalin ang ‘No Vax, No RIde’ policy

MARKA:

KULANG SA KONTEKSTO

ANG KATOTOHANAN:

Minanipula ng SMNI ang ulat para palabasin na ang publiko ay dismayado sa pagtatanggal ng ‘No Vax, No Ride’ policy. Sa halip na magkaroon ng panayam kasama ang mismong mga pasahero, umasa lamang ang nag-uulat sa pahayag ng isang opisyal ng gobyerno.

Hindi ganito ang pag-uulat na ginawa ng ibang midya na gumawa rin ng balita tungkol sa isyu. Sa ulat ng 24 Oras, kumausap ang kanilang reporter ng mga pasahero na nais panatilihin ang polisiya para masiguro ang kanilang kaligtasan. Pero may mga pasahero ring natuwa nang tanggalin ang polisiya dahil mababawasan na umano ang paghihirap ng mga nagmamadaling pasahero.

Kulang din sa ilang mahahalagang konteksto ang ulat, kabilang na ang pahayag mula sa mga kritiko ng polisiya. Kwinestyon ng Commission on Human Rights (CHR) ang hindi makaratungang polisiya na mistulang nagpapahigpit sa kilos ng mga tao. Sa isang panayam ni Malou Mangahas, sinabi ni CHR Commissioner Gwendolyn Pimentel-Gana na may ibang paraan pa para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa halip na limitahan ang kilos ng mga hindi bakunado. Binigyang-diin din ni Pimentel-Gana na ang polisiya ng gobyerno ay nararapat na protektahan ang mamamayan, bakunado man o hindi.

Kwinestyon din ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) ang ligalidad ng ‘No Vax, No Ride’ policy. Pinaalala ng grupo ang nakasaad sa 1987 Constitution na “neither shall the right of travel be impaired except in the interest of national security, public safety, or public health, as may be provided by law.” Sa isang pahayag, pinaalala rin ng IBP na ang mga kasalukuyang batas ng gobyerno para tugunan ang pandemya ay walang probisyon na hinahayaang limitahan ang kilos ng mga pasahero batay sa kanilang vaccination status.

BAKIT KAILANGANG I-FACT CHECK:

Ang Usaping Bayan ay isang programa ng SMNI Channel. Sa kasalukuyan, ang video ay may 5,100 views, 118 reactions, at limang shares. Dahil pinalabas nila na ang lahat ng mamamayan ay dismayado sa pagtatanggal ng ‘No Vax, No Ride’ policy, magiging taliwas na ang pananaw ng iba. Mawawalan rin ng boses at karapatan ang ilang grupo at mga pasahero na may ibang mahalagang opinyon ukol sa polisiya. – Vanessa Adolfo and Jamaica Marciano

Bahagi ang Altermidya Network ng #FactsFirstPH, na pinagsasama-sama ang iba’t ibang sektor na nakatuon sa pagtataguyod ng katotohanan sa pampublikong espasyo, at paghingi ng pananagutan sa mga nananakit dito sa pamamagitan ng kasinungalingan. Para sa mga interesadong sumali sa inisyatiba, mag-email sa info@factsfirst.ph.

Magbasa ng iba pang artikulo rito:

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

More stories

News in Pictures | Fil-Ams protest trilateral meeting in DC

News in Pictures | Fil-Ams protest trilateral meeting in DC

MANILA – Filipino-American activists protested Ferdinand Marcos Jr.’s visit to the United States for the first trilateral U.S.-Japan-Philippines leaders’ summit on April 11. The national day of action was led by the Bagong Alyansang Makabayan (Bayan)-US. Protests were...

Want to stay updated?

Pin It on Pinterest

Share This