FACT CHECK: Lantarang pagbibigay ng pera sa mga supporter ni Marcos Jr., nakuhanan ng bidyo sa Mandaluyong
May 9, 2022

Sa isang tweet mula sa istoryador at dating Presidential Communications undersecretary na si Manuel ‘Manolo’ Quezon III, ipinapakita ang isang video ng pamimigay ng pera ng mga opisyal ng Brgy. Addition Hills, Mandaluyong City sa mga pupunta sa Miting de Avance ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., noong May 7, sa Parañaque City. Ayon sa video, nagbigay ng P7,000 ang mga opisyal sa 14 katao sa loob ng isang van.

ANG SABI-SABI:
Namigay ng pera ang mga opisyal ng barangay sa mga dumalo sa Miting de Avance ni Marcos Jr.

MARKA:
TOTOO

ANG KATOTOHANAN:
Ayon sa isang residenteng nagtungo sa rally ni Marcos Jr. na nakapanayam ng Altermidya, nakatanggap sila ng tig-P500, kasabay na rito ang libreng hatid at sundo ng bus na nirentahan ng mga opisyal ng barangay. Tinatayang aabot sa 40 bus ang sinakyan ng mga tao papunta sa naturang rally. Bukod dito, mismong mga opisyal ng barangay ang namigay ng pera.

Malinaw na nakasaad sa Omnibus Election Code Artikulo XXII Sek. 261 na mahigpit na ipinagbabawal ang pamimigay ng pera sa mga botante sa panahon ng eleksyon. Bukod dito, ipinagbabawal din ang pagiging bahagi ng mga pampublikong opisyal, kabilang na ang mga opisyal ng barangay, sa direktang pag-impluwensiya sa mga residente nito na kampanya ng mga kandidato sa anumang posisyon sa eleksyon.

Ang kasalukuyang alkalde ng Mandaluyong na si Menchie Abalos ay asawa ni Benjamin ‘Benhur’ Abalos Jr., na dati ring alkalde ng lungsod na ngayo’y campaign manager ng kampanya ni Marcos Jr.

BAKIT KAILANGANG I-FACT-CHECK:
Kasalukuyang may mahigit 11,000 retweets at 21,500 likes ang naturang tweet. Samantala, batay sa tala ng Commission on Elections noong 2019, may 229,470 rehistradong botante ang Mandaluyong City. Ang Brgy. Addition Hills naman ang pinakamalaking barangay ng lungsod kung saan karamihan ng mga residente ay mula sa class D at E. — Philip Mateo

Ngayong #Halalan2022, kaagapay ng Altermidya Network ang Kontradaya at #VoteReportPH sa pagbabantay ng ating boto! Para mag-ulat ng mga isyu sa mga presinto at mga kaso ng dayaan, panggigipit sa mga botante, at iba pang anomalya, magpost sa social media gamit ang hashtag na #Kontradaya at #VoteReportPH, o i-fill up ang incident form na makikita sa mga link na ito: https://forms.gle/mQo7FpF2JcKriHpM9 o https://tinyurl.com/VRPH2022

Bahagi ang Altermidya Network ng #FactsFirstPH, na pinagsasama-sama ang iba’t ibang sektor na nakatuon sa pagtataguyod ng katotohanan sa pampublikong espasyo, at paghingi ng pananagutan sa mga nananakit dito sa pamamagitan ng kasinungalingan. Para sa mga interesadong sumali sa inisyatiba, mag-email sa info@factsfirst.ph

Magbasa ng iba pang artikulo rito:

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

More stories

News in Pictures | Fil-Ams protest trilateral meeting in DC

News in Pictures | Fil-Ams protest trilateral meeting in DC

MANILA – Filipino-American activists protested Ferdinand Marcos Jr.’s visit to the United States for the first trilateral U.S.-Japan-Philippines leaders’ summit on April 11. The national day of action was led by the Bagong Alyansang Makabayan (Bayan)-US. Protests were...

Want to stay updated?

Pin It on Pinterest

Share This