FACT CHECK: Larry Gadon, iginiit na si Joma Sison ang may pinakamaraming pinatay noong panahon ng Martial Law
March 17, 2022

Isang video mula sa TikTok user na si @ferdinandmarcos10 ang nagpapakita ng pagsagot ng kumakandidato sa pagkasenador na si Larry Gadon sa tanong na “Dapat bang mag-sorry ang mga Marcos para sa human rights violations noong panahon ng Martial Law?” “Hindi” ang kanyang sagot, at iginiit na karamihan sa mga pagpatay noong panahon ng Martial Law ay isinagawa ni Joma Sison, ang founder ng Communist Party of the Philippines (CPP). “Ang maraming namatay na tao noong Martial Law ay mga NPA na pinatay ni Joma dahil gusto nilang sumurender,” pahayag niya.

Dagdag pa ni Gadon, hindi kailangang humingi ng tawad ang pamilya Marcos dahil idineklara ang Martial Law bilang pagtugon sa “banta ng komunismo” na isinusulong ng CPP.

Ang nasabing video ay mula sa isang “Fast Talk” na panayam kay Gadon noong 2019, ngunit muli itong kumalat sa TikTok noong nagdaang mga araw.

Ang sabi-sabi:

Sabi ni Larry Gadon, si Joma Sison ang nagsagawa ng maraming pagpatay noong panahon ng Martial Law

Marka:

HINDI TOTOO

Ang katotohanan:

Batay sa tala ng Task Force Detainees of the Philippines mula 1982 hanggang 1986, hindi bababa sa 9,000 katao ang biktima ng paglabag sa karapatang pantao noong panahon ng administrasyon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos. Ayon naman sa ulat ng Amnesty International, tinatayang umabot sa 70,000 katao ang ikinulong, 34,000 ang tinortyur, at 3,240 ang pinatay noong panahong ito. May naitala ring 88 “government torturers” kasama ang kanilang ranggo noong panahong iyon. Ang mga ‘sergeant’ at ‘brigadier general’ na kasama sa tala ay nagtrabaho sa ilalim ng Philippine Army at Philippine Constabulary. Ang mga ulat na ito ay patunay na sangkot ang estado sa pang-aabuso sa karapatang pantao noong panahon ng Martial Law.

Samantala, ikinulong noong 1977 si Sison, ilang taon matapos ideklara ang Martial Law. Napalaya lamang siya matapos ang People Power noong 1986 nang magpasya si dating Pangulong Corazon Aquino na palayain ang mga bilanggong pulitikal. Walang ulat at imbestigasyong nagpapatunay na nakagawa ng krimen si Sison sa loob ng kulungan.

Bakit kailangan i-fact-check:

Ang TikTok account na nag-post ng video ay isang fan page ng yumaong Marcos Sr. Ito ay may mahigit 13,300 followers. Ang video naman na tinalakay ay may 4,796 likes at 103 comments, kalakhan ng komento ay nagpapakita ng suporta sa mga maling pahayag ni Gadon. – Philip Mateo at Lyka Naranjo

Bahagi ang Altermidya Network ng #FactsFirstPH, na pinagsasama-sama ang iba’t ibang sektor na nakatuon sa pagtataguyod ng katotohanan sa pampublikong espasyo, at paghingi ng pananagutan sa mga nananakit dito sa pamamagitan ng kasinungalingan. Para sa mga interesadong sumali sa inisyatiba, mag-email sa info@factsfirst.ph.

Magbasa ng iba pang artikulo rito:

Read more

Solons reject impeachment raps against Marcos Jr.

Solons reject impeachment raps against Marcos Jr.

By Raymund B. Villanueva Kodao Productions MANILA – Ferdinand Marcos Jr. dodged the impeachment bullet as a congressional committee overwhelmingly voted to declare the two complaints against him as “insufficient in substance.” Voting 42 in favor of the motion of...

Walang kukurap sa laban kontra-korap 

Walang kukurap sa laban kontra-korap 

Ni M.A. ABRILPinoy Weekly Mahiya naman kayo!” patama ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang ikaapat na State of the Nation Address sa mga opisyal ng gobyerno at kontratistang sangkot sa mga maanomalyang flood control project. Sinundan ito ng hiyawan. Hindi raw...

Kaso vs 7 inaresto sa Dupax del Norte, ibinasura

Kaso vs 7 inaresto sa Dupax del Norte, ibinasura

Ni CHARLES EDMON PEREZPinoyweekly.org Ibinasura ng Regional Trial Court (RTC) Branch 30 sa Bambang, Nueva Vizcaya ang mga kasong resistance and disobedience against persons in authority at obstruction of justice laban sa pitong dinampot ng pulisya noong Ene. 23 sa...

Want to stay updated?

Pin It on Pinterest

Share This