FACT CHECK: Murang singil ng kuryente sa Ilocos, si Marcos Jr. daw ang dahilan
March 18, 2022

Isang Facebook page ang nagsabing sina presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at ang kanyang kapatid na si Senator Imee Marcos ang dahilan kung bakit mura ang singil ng kuryente sa Ilocos Norte.

Ang pahayag na ito na batay sa post ng ‘Supporters of BBM SARA’ noong Enero 24, ay nag-viral dahil sa litrato ng resibo ng kuryente na nagkakahalaga lamang ng Php 74.64.

Wala pa ring tugon si Marcos Jr. sa pahayag na ito, o malinaw na posisyon o plataporma kaugnay sa singil ng kuryente.

ANG SABI-SABI:

Ang orihinal na caption sa post ay nagsasabing mura ang buwanang singil ng kuryente sa Ilocos Norte noong si Marcos Jr. ang gobernador dito. Ito’y biglaang iniba at dinagdagan upang ipaliwanag na ang presyo ng kuryente ay depende pa rin sa kung gaano kadalas gumagamit ng electrical appliances ang konsumer.

MARKA:

HINDI TOTOO

ANG KATOTOHANAN:

Ang pagbaba sa singil sa konsumo ng kuryente sa Ilocos Norte ang layunin ng Bangui Bay Wind Farm, ito ay proyekto ng NorthWind Power Development Corporation (NPDC).

May mga lumabas ng fact-check report na pinasinungalingan ang pahayag na si Marcos Jr. ang dapat pasalamatan para sa Bangui Bay Wind Farm. Ang pagmamay-ari ng proyekto ay nilinaw na ni Marcos Jr. kay Karen Davila sa Headstart noong 2010. “People seem to think it’s a government project, it’s not. It’s a private commercial enterprise,” pahayag ni Marcos Jr.

Ang proyekto ay kadalasan nauugnay kay Marcos Jr. dahil sa kaalyado niyang si Ferdinand Dumlao. Noong chairman ng NPDC si Dumlao, naglingkod din siya bilang special project director ni Marcos Jr. noong 2004, ngunit hindi niya pinangunahan ang proyekto sa ilalim ni Marcos Jr. at sa halip ay bilang chairman ng NPDC.

Samantala, ang kumakalat na litrato ng murang singil ng kuryente ay dahil may kasama na itong subsidyo o “lifeline rate discount,” na binibigay sa mga mahihirap na kabahayan na kumokonsumo lamang ng mababa sa 100 kilowatt-hours (kWh). Ito’y alinsunod sa Sec. 73 ng Republic Act 9136 o ang Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) ng 2001.

Ang pangkalahatang singil ng MERALCO para sa tipikal na kabahayan noong Nobyembre 2021 ay P9.4630 kada KWh dahil sa “high generation charges,” habang sa Ilocos Norte Electric Cooperative, Inc, ang kabuuang residential rate ng INEC noong Nobyembre 2021 ay P10.4705 kada KWh kasama ang generation, transmission, at distribution charges maliban sa VAT. Nagpapatunay na hindi mas mura ang singil ng INEC kumpara sa singil ng MERALCO.

BAKIT KAILANGAN I-FACT-CHECK:

Ang isyu na ito ay nasuri na ng Rappler at ng Vera Files pero kumakalat pa rin ang post na ito sa mga pro-Marcos pages na may humigit 30,000 hanggang 40,000 likes.

Sa kasalukuyan, ang page na ‘Supporters of BBM SARA’ ay may 64,684 likes, habang ang post na ito ay may 5,000 reactions, 760 comments, at 2,100 shares. -Rome Medina & Neil Dizon

Bahagi ang Altermidya Network ng #FactsFirstPH, na pinagsasama-sama ang iba’t ibang sektor na nakatuon sa pagtataguyod ng katotohanan sa pampublikong espasyo, at paghingi ng pananagutan sa mga nananakit dito sa pamamagitan ng kasinungalingan. Para sa mga interesadong sumali sa inisyatiba, mag-email sa info@factsfirst.ph.

Magbasa ng iba pang artikulo rito:

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

More stories

News in Pictures | Fil-Ams protest trilateral meeting in DC

News in Pictures | Fil-Ams protest trilateral meeting in DC

MANILA – Filipino-American activists protested Ferdinand Marcos Jr.’s visit to the United States for the first trilateral U.S.-Japan-Philippines leaders’ summit on April 11. The national day of action was led by the Bagong Alyansang Makabayan (Bayan)-US. Protests were...

Want to stay updated?

Pin It on Pinterest

Share This