FACT CHECK: Nagresulta ba sa kapayapaan ang pakikipag-usap ng administrasyong Duterte sa mga rebeldeng grupo?
August 8, 2022

Noong Mayo 31, naglathala ang Philippines News Agency (PNA) ng artikulo na tumalakay sa ulat ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity (OPAPRU) sa ginanap na Duterte Legacy Summit noong bandang dulo ng termino ng nagdaang administrasyon.

Ayon sa noo’y kalihim ng OPAPRU na si Carlito Galvez Jr., ang komprehensibong prosesong pangkapayapaan ay namayagpag sa ilalim ng administrasyong Duterte, tampok ang pagkawala ng sagupaan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at Cordillera Bodong Administration- Cordillera People’s Liberation Army dulot ng mga anti-insurgency program ng gobyerno at mga ahensyang naghahandog ng programang sosyo-ekonomiko.

ANG SABI-SABI:

Nagresulta sa kapayapaan ang pakikipag-usap ng administrasyong Duterte sa mga rebeldeng grupo

MARKA:

HINDI TOTOO

ANG KATOTOHANAN:

Sa pagbubuod ng mga nagawa ng administrasyong Duterte sa usapin ng pagkamit ng kapayapaan, isinawalang bahala ni Galvez ang katotohanan maagang winakasan ng administrasyong Duterte ang negosasyong pangkapayapaan sa National Democratic Front of the Philipinnes (NDFP) sa kanyang termino. Hindi rin binaggit sa report ang mataas na bilang ng pagpatay at mass arrest sa mga peace consultant na naganap matapos ang pagbagsak ng negosasyong pangkapayapaan sa NDFP.

Mali ring sabihin na walang “major conflicts” na nangyari sa panahon ni Duterte. Isa rito ang nangyaring madugong engkwentro noong Marso 2021 sa pagitan ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters at Armed Forces of the Philippines na nagdulot ng pagkawasak ng tirahan ng mahigit 66,000 katao sa Maguindanao.

BAKIT KAILANGAN I-FACT-CHECK?

Ang Duterte Legacy Summit ay ginanap upang sumahin ang mga nakamit ng termino ni dating Pangulong Duterte. Gayunman, kalakhan sa mga ulat sa nasabing summit ay masasabing kulang sa konteksto. Ang PNA, na naglabas ng kwestyunableng report, ay isang state-funded na media outlet na mayroong 385,000 followers sa Facebook. -Lhesly Charm L. Matias

Bahagi ang Altermidya Network ng #FactsFirstPH, na pinagsasama-sama ang iba’t ibang sektor na nakatuon sa pagtataguyod ng katotohanan sa pampublikong espasyo, at paghingi ng pananagutan sa mga nananakit dito sa pamamagitan ng kasinungalingan. Para sa mga interesadong sumali sa inisyatiba, mag-email sa info@factsfirst.ph.

Magbasa ng iba pang artikulo rito:

Read more

Ambush on Abra mayoral candidate’s convoy kills two

Ambush on Abra mayoral candidate’s convoy kills two

By ARTEMIO DUMLAOwww.nordis.net BAGUIO CITY— Two people were killed, and another was injured after unidentified gunmen ambushed the convoy of Pidigan mayoralty candidate and former Langiden Mayor Artemio “Billy Boy” Donato Jr. on Friday afternoon, February 28, at...

Seach continues for two missing activists in Bicol

Seach continues for two missing activists in Bicol

LEGAZPI CITY - Families of the victims, Karapatan Bikol, Hustisya, and Desaparecidos reiterate the call to urgently and safely surface Felix Salaveria Jr., James Jazmines, and all victims of enforced disappearances, March 1. It has been six (6) months since their...

Want to stay updated?

Pin It on Pinterest

Share This