FACT CHECK: Pamilya Marcos, kinidnap matapos ang EDSA People Power?
March 23, 2022

Isang TikTok video mula sa user na si @norte_2k ang nagsasabing kinidnap daw ang pamilya Marcos matapos ang EDSA People Power noong 1986. Sa nasabing video, makikita ang pinagtagpi-tagping video mula sa ibang balita at dokumentaryo, kabilang na ang panayam kay Imelda Marcos mula sa dokumentaryong “The Kingmaker.” Ani Imelda, “It is not true that we fled from our country, we were kidnapped. They told us we were going to Paoay, a town in Ilocos, only to be brought to Hawaii.” (Hindi totoong umalis kami ng bansa. Ang sabi sa amin, pupunta kami sa Paoay, isang bayan sa Ilocos, pero dinala kami sa Hawaii.)

Kalakip ng video ang caption na, “Pina-kidnap ang pamilya Marcos, hindi nila iniwan ang Pinas! Andaming nauto ng mga Aquino.”

ANG SABI-SABI:

Kinidnap ang pamilya Marcos matapos ang EDSA People Power noong 1986

MARKA:

HINDI TOTOO

ANG KATOTOHANAN:

Noong Pebrero 25, 1986, matapos ang negosasyon kay Marcos Sr. na bumaba sa puwesto, ipinaalam ni US ambassador Stephen Bosworth kay dating Pangulong Cory Aquino na nakumbinsi si Marcos Sr. na umalis ng bansa sa pamamagitan ng pagtanggap nito sa alok ng mga Amerikano na umalis ng Malacañang. Gayunpaman, wala pang napag-usapang destinasyon para sa pamilya Marcos noonsa puntong iyon.

Sa kabila ng desisyon ni Marcos Sr. na “mamatay sa Palasyo,” nakiusap ang mga babaeng anak niya na lumulan na sila ng helicopter sa Clark at “umalis na patungong US.” Paliwanag nila, maaari kasing hindi na sila makalalabas nang buhay sa Malacañang kapag nanatili sila doon. Patunay itong hindi kinidnap ng mga Amerikano ang pamilya Marcos. Sa ulat ng Associated Press, hindi nagreklamo si Marcos Sr. nang dumating sila sa teritoryo ng US. Nang lumapag sila sa Hawaii noong Pebrero 26, nakipagpulong pa siya nang isang oras kasama ang state governor doon na si George Ariyoshi.

BAKIT KAILANGAN I-FACT CHECK:

Sa kasalukuyan, may humigit-kumulang 202,800 views, 788 comments, at 575 shares ang naturang video. Samantala, may 1,230 followers naman ang nag-post ng video sa TikTok. – Philip Mateo

Bahagi ang Altermidya Network ng #FactsFirstPH, na pinagsasama-sama ang iba’t ibang sektor na nakatuon sa pagtataguyod ng katotohanan sa pampublikong espasyo, at paghingi ng pananagutan sa mga nananakit dito sa pamamagitan ng kasinungalingan. Para sa mga interesadong sumali sa inisyatiba, mag-email sa info@factsfirst.ph.

Magbasa ng iba pang artikulo rito:

Read more

Fishers kick off year fighting back vs dev’t aggression

Fishers kick off year fighting back vs dev’t aggression

By DOMINIC GUTOMANBulatlat.com MANILA – At the start of the year, fisherfolk under the banner of Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya (Pamalakaya) call on the government to review clean energy projects that trample the human rights and welfare of coastal...

Youth activist missing in Mindoro

Youth activist missing in Mindoro

By DOMINIC GUTOMANBulatlat.com MANILA – Karapatan Southern Tagalog reported a missing youth activist missing after a series of aerial bombing and strafing on January 1 in Occidental Mindoro.  Chantal Anicoche immersed with the peasants and Mangyan indigenous...

NDFP Cagayan Valley declares staff missing

NDFP Cagayan Valley declares staff missing

By RAYMUND VILLANUEVAwww.nordis.net QUEZON CITY—The National Democratic Front of the Philippines in Cagayan Valley (NDFP-CV) has raised alarm over the disappearance of one of its regional staff, who has been out of contact for over three weeks. In a statement, NDFP-CV...

Want to stay updated?

Pin It on Pinterest

Share This