FACT CHECK: Pre-shaded ballots na may boto para kay VP Robredo, nadiskubre sa manual recount?
April 12, 2022

Habang papalapit ang eleksyon 2022, isang video clip mula sa newscast ng PTV na inere tatlong taon na ang nakalipas, ang ni-reupload sa Facebook page na ‘Bbm Ka-Bataab ph’. Ang naturang video ay patungkol sa isang pahayag noong 2018 mula sa kampo ni Ferdinand Marcos Jr. laban kay Vice President (VP) Leni Robredo.

Ayon sa nasabing ulat, sinabi ng abogado ni Marcos Jr. na si Atty. Vic Rodriguez na ang mga balotang may pangalan ni Robredo ay pre-shaded na, at ang mga ito ay natagpuan sa mga ballot boxes mula sa Baao, Camarines Sur – ang probinsya kung saan galing ang pangalawang pangulo. Ang mga balota ay nadiskubre umano sa pangatlong araw ng manual recount na inutos ng Korte Suprema para sa electoral protest ni Marcos. Hindi sinabi ni Rodriguez kung ilan ang mga nakitang ‘pre-shaded ballots.’

Ang cropped video ay mayroong caption na, “UULITIN NILA NGAYONG 2022” at “2016 PRE-SHADED BALLOTS, 2022 ADVANCE PRE-SHADED Comelec issue,” na nagbabadyang dapat daw isagawa ang manual vote count sa nalalapit na botohan.

ANG SABI-SABI:

Nadiskubre sa manual recounting ng mga boto mula sa Camarines Sur na may pre-shaded ballots na pabor ang boto kay VP Leni Robredo noong halalan 2016

MARKA:

HINDI TOTOO

ANG KATOTOHANAN:

Ibinasura na ng Korte Suprema ang electoral protest na isinampa ng kampo ni Marcos noong 2021. Isang source mula sa Korte Suprema ang nagsabing bare, generic, and repetitious ang mga alegasyong isinampa ng kampo ni Marcos.

‘Katawa-tawa’ ayon sa kampo ni Robredo ang isyu ng pre-shaded ballots, at ang mga alegasyon ay wala umanong matibay na ebidensya. Sa halip na mapatunayan ang mga sinasabi ni Marcos Jr. sa kaniyang electoral protest, mas tumaas pa ang bilang ng boto ni Robredo mula sa manual recount noong 2019. Nadagdagan ng 15,093 boto para kay Robredo, at nalamangan pa nito si Marcos ng 278,566 na boto.

BAKIT KAILANGAN I-FACT CHECK:

Kahit na may desisyon na ang Korte Suprema sa electoral protest ni Marcos Jr., kumakalat pa rin ang mga video na tulad nito na naglalayong akusahan ang bise presidente, lalo na’t nangunguna sina Marcos at Robredo sa election polls at campaign rallies sa pagkapangulo. Sa ngayon, ang nasabing video ay may 354,000 views, 17, 000 reactions, at 2,800 comments. – Maez Estrada at Joseph Gloria

Bahagi ang Altermidya Network ng #FactsFirstPH, na pinagsasama-sama ang iba’t ibang sektor na nakatuon sa pagtataguyod ng katotohanan sa pampublikong espasyo, at paghingi ng pananagutan sa mga nananakit dito sa pamamagitan ng kasinungalingan. Para sa mga interesadong sumali sa inisyatiba, mag-email sa info@factsfirst.ph.

Magbasa ng iba pang artikulo rito:

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

More stories

News in Pictures | Fil-Ams protest trilateral meeting in DC

News in Pictures | Fil-Ams protest trilateral meeting in DC

MANILA – Filipino-American activists protested Ferdinand Marcos Jr.’s visit to the United States for the first trilateral U.S.-Japan-Philippines leaders’ summit on April 11. The national day of action was led by the Bagong Alyansang Makabayan (Bayan)-US. Protests were...

Want to stay updated?

Pin It on Pinterest

Share This