FACT CHECK: Pre-shading ng mga balota, nasaksihan sa Sultan Kudarat
May 9, 2022

Sa isang tweet ng botanteng si Mo Estrella (@moestrellaPHL), isiniwalat niyang may mga guro na nagsasagot na ng mga balota sa Barangay Makaguiling, sa Sultan Kudarat, Maguindanao. Sabi pa ng Twitter user, nagprotesta na rin ang mga poll watcher doon pero tinatakot sila at pinagbawalan ng Board of Election Inspectors (BEI) na gumamit ng kanilang mga telepono para kumuha ng litrato o video.

ANG SABI-SABI:
Pre-shading ng mga balota, nasaksihan sa Sultan Kudarat 

MARKA:
TOTOO 

ANG KATOTOHANAN:
Sa panayam ng Altermidya sa Twitter user na nagsiwalat ng pre-shading, sinabi niyang mga poll watcher ng United Bangsamoro Justice Party na kaalyado ng kumakandidato sa pagkapangulo na si Vice President Leni Robredo ang nakasaksi sa isang guro na nasa aktong iniitiman at sinasagutan ang mga balota. Ang guro ay nakilalang anak ng punong barangay sa nasabing lugar, at kaalyado ng kasalukuyang alkalde doon na si Shameem Mastura, na siya namang kilalang sumusuporta sa kandidatura ng katunggali ni Robredo na si Ferdinand Marcos Jr.

Ang mga Mastura ay kilalang pamilya ng mga pulitiko sa Maguindanao, at ngayo’y may kaanak na kabilang sa appointed na mga opisyal ng Bangsamoro Transition Authority, sa katauhan ni Tucao Mastura.

Nakasaad sa Omnibus Election Code Artikulo XV Sek. 179 na ang poll watchers ay may karapatang magbantay at maging saksi sa mga nangyayari sa botohan, itala ang anumang nakikitang insidente at magreklamo kung may nalalabag na batas sa bahagi ng BEIs.

Nakasaad rin sa Artikulo XXII Sec. 261, na maituturing na paglabag sa batas ang pagtatangkang guluhin at hadlangan ang kabuuang proseso ng pagboto.

BAKIT KAILANGANG I-FACT CHECK:
Naaalarma ang ilang mga botante dahil sa nabalitaang pangyayari. Mayroon nang 19,600 retweets, 3,571 quote tweet at 29,500  likes ang nasabing tweet. Sa tala ng Commission on Elections, may 497,690 rehistradong botante ang Sultan Kudarat para sa eleksyon ngayong taon. – Vanessa Adolfo at Jamaica Marciano 

Ngayong #Halalan2022, kaagapay ng Altermidya Network ang Kontradaya at #VoteReportPH sa pagbabantay ng ating boto! Para mag-ulat ng mga isyu sa mga presinto at mga kaso ng dayaan, panggigipit sa mga botante, at iba pang anomalya, magpost sa social media gamit ang hashtag na #Kontradaya at #VoteReportPH, o i-fill up ang incident form na makikita sa mga link na ito: https://forms.gle/mQo7FpF2JcKriHpM9 o https://tinyurl.com/VRPH2022

Bahagi ang Altermidya Network ng #FactsFirstPH, na pinagsasama-sama ang iba’t ibang sektor na nakatuon sa pagtataguyod ng katotohanan sa pampublikong espasyo, at paghingi ng pananagutan sa mga nananakit dito sa pamamagitan ng kasinungalingan. Para sa mga interesadong sumali sa inisyatiba, mag-email sa info@factsfirst.ph

Magbasa ng iba pang artikulo rito:

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

More stories

News in Pictures | Fil-Ams protest trilateral meeting in DC

News in Pictures | Fil-Ams protest trilateral meeting in DC

MANILA – Filipino-American activists protested Ferdinand Marcos Jr.’s visit to the United States for the first trilateral U.S.-Japan-Philippines leaders’ summit on April 11. The national day of action was led by the Bagong Alyansang Makabayan (Bayan)-US. Protests were...

Want to stay updated?

Pin It on Pinterest

Share This