FACT CHECK: Pwedeng gupitin ang mga balota para magkasya at maipasok sa VCM
May 10, 2022

Ibinahagi ng isang botante sa voting precinct ng Gulod Elementary School sa Brgy. Gulod, Cabuyao, Laguna, sa pamamagitan ng isang tweet, ang larawan na ipinapakita ang isang miyembro ng Board of Election Inspectors (BEI) na naggugupit ng mga balota para umano magkasya ito sa Vote Counting Machine (VCM) pero may ilan pa rin sa mga ginupit na balota ang hindi pa rin tinanggap ng VCM dahil hindi pantay ang pagkakagupit nito. Makikita sa larawan na nahahagip sa paggugupit ang mga itim na bar o marka sa gilid ng balota na importante para mabasa ng VCM ang mga boto sa balota.

ANG SABI-SABI:
Pwedeng gupitin ang mga balota para magkasya at maipasok sa VCM

MARKA:
HINDI TOTOO

ANG KATOTOHANAN:

Sa panayam ng Altermidya sa Twitter user na nagpost ng nasabing larawan (hiniling niyang huwag ibahagi ang kanyang tunay na pangalan para sa kaligtasan), ibinahagi niya na ang mga balotang ipinasa nila sa BEI ay nakita nilang ginupit, at ilan sa mga balota ay naipasok sa VCM ngunit marami ang hindi tinanggap ng makina.

Dagdag pa ng naturang botante na may nakasabay siyang kapwa botante na umulit mag-shade dahil hindi tinanggap ang isa pang balota na hindi pantay ang gupit. Dahil dito, naging dalawa na ang balotang nagamit ng ilang botante.

Hindi dapat ginugupit ang balota para magkasya sa VCM. Ayon sa Omnibus Election Code Article XVI, Section 181, ang mga balota ay pare-pareho sa hugis, laki, at kulay at nakaprint sa papel na madaling makita ang pagkakaiba sa ibang ordinaryong papel. Ayon naman sa Omnibus Election Code Article XXII, Section 261, isang paglabag ang pagsisira, pagpapalit, o pagkuha ng kahit anong dokumentong ginagamit sa eleksyon.

BAKIT KAILANGANG I-FACT CHECK:

Kampante ang COMELEC na sapat ang kanilang paghahanda, ngunit pagsapit ng mismong araw ng eleksyon ay naglabasan ang kabi-kabilang aberya sa botohan. Sa tala ng Kontra Daya, ilan sa mga naulat na problema ay ang diperensya sa mga VCM.

Sa ngayon, mayroon nang 1,515 retweets, 609 quote tweets at 3,918 likes ang nasabing tweet.

-Vanessa Adolfo at Jamaica Marciano

Ngayong #Halalan2022, kaagapay ng Altermidya Network ang Kontradaya at #VoteReportPH sa pagbabantay ng ating boto! Para mag-ulat ng mga isyu sa mga presinto at mga kaso ng dayaan, panggigipit sa mga botante, at iba pang anomalya, magpost sa social media gamit ang hashtag na #Kontradaya at #VoteReportPH, o i-fill up ang incident form na makikita sa mga link na ito: https://forms.gle/mQo7FpF2JcKriHpM9 o https://tinyurl.com/VRPH2022

Bahagi ang Altermidya Network ng #FactsFirstPH, na pinagsasama-sama ang iba’t ibang sektor na nakatuon sa pagtataguyod ng katotohanan sa pampublikong espasyo, at paghingi ng pananagutan sa mga nananakit dito sa pamamagitan ng kasinungalingan. Para sa mga interesadong sumali sa inisyatiba, mag-email sa info@factsfirst.ph

Magbasa ng iba pang artikulo rito:

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

More stories

News in Pictures | Fil-Ams protest trilateral meeting in DC

News in Pictures | Fil-Ams protest trilateral meeting in DC

MANILA – Filipino-American activists protested Ferdinand Marcos Jr.’s visit to the United States for the first trilateral U.S.-Japan-Philippines leaders’ summit on April 11. The national day of action was led by the Bagong Alyansang Makabayan (Bayan)-US. Protests were...

Want to stay updated?

Pin It on Pinterest

Share This