FACT CHECK: Red-tagging, hindi banta sa buhay ayon kay Lorraine Badoy
April 5, 2022

Nitong March 23, 2022, inilathala ng Philippine News Agency (PNA) ang isang pahayag na may pamagat na “‘There is no such thing as red-tagging’: NTF-ELCAC spox” kung saan sinabi ni Presidential Communications Undersecretary Lorraine Badoy na ang salitang ‘red-tagging’ ay ginawa lamang ng CPP-NPA-NDF para patahimikin ang mga nagsasalita laban sa kanila at hindi naman nito ipinapahamak ang buhay, kalayaan, at seguridad ng mga taong nare-red-tag.

ANG SABI-SABI:

Hindi banta sa buhay ang red-tagging, sabi ni Badoy

MARKA:

HINDI TOTOO

ANG KATOTOHANAN:

Kamakailan, tatlong reklamo ang isinampa laban kay Badoy dahil sa sunud-sunod nitong panre-redtag. Ayon sa mga nagreklamo, ginamit ni Badoy ang kanyang social media accounts para akusahan ang mga ordinaryong tao at aktibista bilang mga “komunista.” Paliwanag ng mga nagreklamo, bilang si Badoy ang spokesperson ng NTF-ELCAC na itinatag ng pamahalaan, nilabag niya ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act, RA 6713 o ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees at ang Omnibus Election Code.

Salungat sa sinabi ni Badoy na hindi delikado ang red-tagging, marami nang tala ang nagpapatunay na ang mga biktima ng red-tagging ay hindi lang basta pinagbabantaan kundi pinapatay pa. Ganito ang nangyari sa kaso ng volunteer teachers na sina Chad Booc at Gelejurain Ngujo II, at community health worker na si Elgyn Balonga na pinatay sa Davao de Oro noong Pebrero 23. Kahit sinabi ng 10th Infantry Division na sila ay napatay sa isang engkwentro, inilahad ng mga saksi na mula sa nasabing lugar na masaker ang nangyari. Naging biktima na ng red-tagging sina Booc bago pa mangyari ang insidente.

Sa tala ng grupong Karapatan, sa taong 2020 pa lamang ay 78 na ang pinatay bunsod ng red-tagging at mga operasyong kontra-terorismo ng pulisya.

Kahit pa sinasabi sa artikulo ng PNA na ‘walang nangyayaring red-tagging’, binansagan ng nasabing artikulo mismo ang ilang progresibong organisasyon at party-lists bilang ‘communist fronts.’

BAKIT KAILANGAN I-FACT CHECK:

Ayon kay Karapatan Secretary General Cristina Palabay, sadyang nakamamatay ang red-tagging, at sagka ito sa pagtamasa ng mga karapatang nakasaad sa Saligang Batas.

Naka-post rin ang nasabing artikulo sa Facebook page ng PNA, at may 1,100 reactions, 90 comments at 75 shares na. Vanessa Adolfo at Jamaica Marciano

Bahagi ang Altermidya Network ng #FactsFirstPH, na pinagsasama-sama ang iba’t ibang sektor na nakatuon sa pagtataguyod ng katotohanan sa pampublikong espasyo, at paghingi ng pananagutan sa mga nananakit dito sa pamamagitan ng kasinungalingan. Para sa mga interesadong sumali sa inisyatiba, mag-email sa info@factsfirst.ph.

Magbasa ng iba pang artikulo rito:

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

More stories

News in Pictures | Fil-Ams protest trilateral meeting in DC

News in Pictures | Fil-Ams protest trilateral meeting in DC

MANILA – Filipino-American activists protested Ferdinand Marcos Jr.’s visit to the United States for the first trilateral U.S.-Japan-Philippines leaders’ summit on April 11. The national day of action was led by the Bagong Alyansang Makabayan (Bayan)-US. Protests were...

Want to stay updated?

Pin It on Pinterest

Share This