FACT CHECK: Suportado ni Baguio City Mayor Magalong ang ‘counterinsurgency approach’ ng NTF-ELCAC
April 12, 2022

 

 

Sa ulat na inilathala ng Philippine News Agency (PNA), iginiit nito na suportado ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang paraan ng pagsupil sa insurhensya ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict’s (NTF-ELCAC) matapos niyang linawin na hindi niya kailanman naging kaalyado ang Communist Party of the Philippines.

Ang ulat ng PNA ay tungkol sa press briefing na pinatawag ni Magalong, kung saan sinagot niya ang red-tagging sa kaniya ng League of Parents of the Philippines matapos daluhan ng alkalde ang voters’ education event ng Kabataan Party-list.

Binanggit din sa ulat na mataas ang paggalang ni Magalong sa kung paano isinasagawa ng NTF-ELCAC ang counterinsurgency operatins nito. Dagdag pa ng ulat ng PNA, nais daw ni Magalong na ipagpatuloy ang ganitong programa sa susunod na administrasyon.

ANG SABI-SABI:

Suportado ng alkalde ng Baguio City ang ‘counterinsurgency approach’ ng NTF-ELCAC

MARKA:

NAWAWALANG KONTEKSTO

ANG KATOTOHANAN:

Bagama’t sinabi ni Magalong na may ‘mga magagandang programa’ at nagawa ang NTF-ELCAC sa pagpuksa sa insurhensyasa press briefing na kanyang ipinatawag noong Marso 22, hindi naman idinetalye ng PNA na sa totoo, idinaos ang nasabing press briefing para masagot ng retiradong police general ang red-tagging na ibinabato sa kanya.

Sa nasabing press conference, ipinahayag ni Magalong ang kanyang pagkadismaya sa atakeng natanggap niya kahit na siya ang namumuno ng Regional Peace and Order Committee at co-chair ng regional ELCAC. “All they have to do is verify their facts. We have what we call fact-checking, due diligence, and due process,” patutsada ni Magalong matapos siyang ma-redtag dahil sa pagdalo sa isang pagtitipon na pinangunahan ng Kabataan Party-list, at dahil na rin sa kanyang pagbabawal sa pagpapaskil ng red-tagging posters at tarpaulins sa Baguio City.

Ipinalabas ng PNA na buo ang suporta ni Magalong sa NTF-ELCAC, at hindi binanggit kung paano pinuna ng alkalde ang mga opisyal ng NTF-ELCAC dahil sa kanilang pangre-redtag.

“I did not expect to be exposed to this kind of attack without any basis at all — without due process,” pahayag ni Magalong.

BAKIT KAILANGAN I-FACT CHECK:

Kilala ang NTF-ELCAC sa walang habas nitong red-tagging sa mga indibidwal at mga grupo. Karamihan sa mga biktima ng red-tagging ay nalalagay sa peligro, kaya ipinapanawagan ng iba’t ibang human rights groups at maging ng United Nations sa gobyerno na itigil na ang ganitong pag-atake.

Mas tumindi ang red-tagging nitong mga nakaraang buwan, nang atakihin na rin ng mga opisyal ng NTF-ELCAC tulad ni Badoy si Magalong, na opisyal din ng RTF-ELCAC. Hindi binanggit ng PNA sa ulat na ito ang nasabing konteksto, at sa halip, pinalabas lang ng artikulo na suportado ni Magalong nang buong-buo ang NTF-ELCAC.

“The best way to defeat an insurgency is through good governance.  It is not only about delivering basic services but mainly through innovation, transformation, competent leadership, and respect for human rights,” paliwanag ni Magalong sa press briefing, kung saan sinabi pa niyang hindi niya hinahayaan ang mga gawaing lumalabag sa karapatang pantao ng mga aktibista.

Ang paglalabas ng ganitong ulat ng isang ahensya ng gobyerno ay direktang nagpapakita kung paano inilalaan ng pamahalaan ang buwis ng sambayanang Pilipino sa pagpapalaganap ng maling impormasyon at para protektahan ang interes ng iilan. – Maez Estrada at Joseph Gloria

Bahagi ang Altermidya Network ng #FactsFirstPH, na pinagsasama-sama ang iba’t ibang sektor na nakatuon sa pagtataguyod ng katotohanan sa pampublikong espasyo, at paghingi ng pananagutan sa mga nananakit dito sa pamamagitan ng kasinungalingan. Para sa mga interesadong sumali sa inisyatiba, mag-email sa info@factsfirst.ph.

Magbasa ng iba pang artikulo rito:

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

More stories

News in Pictures | Fil-Ams protest trilateral meeting in DC

News in Pictures | Fil-Ams protest trilateral meeting in DC

MANILA – Filipino-American activists protested Ferdinand Marcos Jr.’s visit to the United States for the first trilateral U.S.-Japan-Philippines leaders’ summit on April 11. The national day of action was led by the Bagong Alyansang Makabayan (Bayan)-US. Protests were...

Want to stay updated?

Pin It on Pinterest

Share This