Original photo from The Philippine Daily Inquirer
Ni TONYO CRUZ
Contributor
Masayang umaga ang bumati sa mga tao ngayong araw ng Linggo dahil sa balita na ipo-proklama na ng Comelec ang Gabriela bilang nanalong partylist sa 2025 elections.
Paliwanag ni Chairman George Garcia, itinaas ng Comelec mula 63 papuntang 64 ang bilang ng partylist seats alinsunod sa requirement ng batas. Ito ang dahilan bakit ipo-proklama ang Gabriela bilang panalong partylist.
Ibig sabihin, magtagumpay man ang Duterte Youth sa kaso nito sa Korte Suprema, panalo pa rin ang Gabriela. Nanalo ito, on its own, at nakakuha ng partylist seat nang hindi nakaasa sa cancellation ng anumang partido. Kung katigan ng korte ang Comelec, tatlong pang partylist ang ipoproklama.
Napakasaklap nito para kay Cardema. Cancelled ang Duterte Youth pero panalo ang Gabriela, isa sa mga totoong partylist na ninais nitong sirain at gibain. Grabeng paninira, red-tagging at panggigipit ang danas ng Gabriela noong kampanya, kaya matamis itong pagkapanalo ngayong 2025. Ang mauupong partylist representative ay si Sarah Elago na itinuring ng marami na outstanding congresswoman at tumanggap ng mga parangal sa loob at labas ng bansa.
Katapusan na ba ito ng trapo career ni Ronald Gian Cardema? Mukhang ganun na nga.
Matagal nang may pantasya si Cardema na may clout siya sa pulitika. Claim to fame nya ang pagiging inaanak sa kasal nina noon ay dating senador Bongbong Marcos, Bong Go, at napakaraming pulitiko/negosyante/heneral, sa kasal sa Davao City na pinangasiwaan ng noo’y Mayor Sara Duterte.
Siya, asawa nya, at dalawa pang kamag-anak ang tumakbo bilang mga Cardema noong 2022 at nitong 2025 sa mga pusisyon sa Laguna, pero natalo silang lahat.
UNQUALIFIED, DISQUALIFIED, CANCELLED, DEFEATED
Duterte Youth: Partylist registration cancelled in 2025 due to failure to comply with procedural requirements, lack of bonafide intention to represent the youth sector, advocating violence, and getting assistance from the government.
Ronald Gian Cardema: Di kwalipikado (dahil over-aged) kaya disqualified bilang 2019 partylist nominee, at natalong kandidato para Laguna board member ngayong 2025
Ducielle Marie Suarez Cardema: natalong kandidato para Calamba city councilor ngayong 2025
Drixie Mae Suarez: Kapatid of Ducielle Marie na gumamit ng apelyido ng bayaw sa sinumpaang legal documents kaya posibleng humarap sa mga kasong misrepresentation, falsification of public documents, perjury at election law offenses
Bea Gian Carla Lapitan: Nakababatang kapatid ni Ronald Cardema at 4th nominee ng Duterte Youth. Wala daw siyang middle name, ayon sa kanyang sinumpaang certificate of acceptance of nomination.
Ann-Ann Lapitan Cardema: Natalong kandidato para Laguna board member noong 2022 (pang-7 sa 9 na kandidato)
Mike Cardema Suarez: Natalong kandidato para sa Cabuyao city councilor noong 2022 (pang-24 sa 26 kandidato)
GINAMIT LANG ANG PANGALANG DUTERTE
Napansin niyo ba? Tahimik ang pamilya Duterte sa problema ng Duterte Youth. Walang statement man lang para kay Cardema matapos kanselahin ng Comelec ang rehistro nito.
Siguro totoo ang paniniwala ni dating Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na nauna nang nagsabi na “Alam mo yang Duterte Youth na ‘yan, wala akong kabilib-bilib diyan.”
“Ginamit lang talaga nila yung pangalang Duterte, lalo yung mga nasa likod niyan. Puro mga di magaganda ang record niyan eh,” ani Panelo sa isang radio interview noong Hunyo 19.
“Tsaka from the very beginning, talagang marami na silang paglabag—biro mo, nominee nila hindi naman pala youth. Kaya pabor ako na tanggalin na ‘yan,” dagdag pa ni Panelo.
Nakakahiya at napakasaklap: Gagamit na lang ng pangalan, palpak pa.
Kailangan talaga na linisin ang partylist system para matanggal ang iba pang basura tulad ng Duterte Youth, lalo na ang mga partylist ng mga contractor at congtractor.
Ibalik sa taumbayan ang partylist para magkaroon ng tunay na representation sa Kongreso.
Si Tonyo Cruz ay isang kolumnista ng Manila Bulletin








