HINDI TOTOO: ‘Galawang Nazi’ ang fact-checking initiative ng Rappler at Vera Files
April 22, 2022

Sa isang Facebook post noong Marso 31, inihalintulad ng Facebook page na “Coach Jarret” ang fact-checking initiative ng mga organisasyong Rappler at Vera Files sa pagsunog ng mga libro ng rehimeng Nazi sa Germany.

Naglalaman ang post ng screenshot ng isang artikulo mula sa American Experience na “Book Burnings in Germany, 1933,” kasama ang isa pang screenshot ng isang news article mula sa Rappler noong 2018 kung saan inanunsyo nito ang pakikipag-ugnay nito sa Meta kasama ang Vera Files at Meta para magsagawa ng fact-checking sa Facebook.

ANG SABI SABI:

‘Galawang Nazi’ ang fact-checking initiative ng Rappler at Vera Files

MARKA:

HINDI TOTOO

KATOTOHANAN:

Ang pagsusunog ng libro ng Nazi sa Germany ay naglalayong patatagin ang ganap na kontrol ng kanilang partido sa midya sa pamamagitan ng pagpapatupad ng “racist, exclusionary ideology” sa mga balita, sining, at impormasyon sa kanilang bansa noong nasa kapangyarihan sila.

Bukod sa pagsunog ng mga libro, itinatag ng partidong Nazi ang “Party Examining Committee for the Protection of National Socialist Literature” na nagsusuri at nagbabawal sa publikasyon ng mga aklat na itinuturing nitong hindi dapat ilathala, isang aktibidad na maihahalintulad sa naganap na “media censorship” noong panahon ng Martial Law.

Ang ganitong porma ng sensura ay ibang-iba sa layunin ng pakikipagtulungan ng Meta sa Rappler at Vera Files na nagtaguyod sa nasabing mga grupo bilang third party organizations na nagsusuri ng mga sabi-sabi sa Facebook, sa pagsisikap na pigilan ang paglaganap ng maling impormasyon sa nasabing social media platform.

Ang nasabing fact-checking initiative ay walang kinalaman o kapangyarihan na magbawal sa mga babasahin. Ang mga hakbangin sa pagsusuri ng katotohanan, kabilang na ang isinasagawa ng koalisyong #FactsFirstPH ay naglalayong isulong ang “verified informative content,” at kilalanin at siyasatin ang mga mapanlinlang na impormasyon para matiyak na walang mambabasa ang magiging biktima ng nasabing mga panlilinlang. Kasama sa fact-checking initiatives ang hindi pakikibahagi sa anumang gawaing lumalabag sa kalayaan sa pamamahayag na protektado ng Saligang Batas ng bansa.

BAKIT KAILANGAN I-FACT-CHECK:

Ang pagsusuri sa katotohanan ay hindi porma ng sensura. Ang pag-alerto sa mga mambabasa online tungkol sa disimpormasyon na posibleng laman ng isang partikular na artikulo o post ay hindi nagbabawal sa mga tao na i-access ang mga materyal na pinag-uusapan, at sa halip ay nagsisilbing gabay para sa mga mambabasa at manonood para matiyak na hindi sila mabibiktima ng pekeng balita.

Sa kasalukuyan, ang nasabing post ay nakakuha na ng 232 reactions, 41 comments, at 23 shares. Kapansin-pansin din na karamihan sa mga komento mula sa nasabing post “copy-paste,” automatiko, o mga “generated messages” tungkol sa “bitcoin investment.” – Rome Medina at Neil Dizon

Bahagi ang Altermidya Network ng #FactsFirstPH, na pinagsasama-sama ang iba’t ibang sektor na nakatuon sa pagtataguyod ng katotohanan sa pampublikong espasyo, at paghingi ng pananagutan sa mga nananakit dito sa pamamagitan ng kasinungalingan. Para sa mga interesadong sumali sa inisyatiba, mag-email sa info@factsfirst.ph.

Magbasa ng iba pang artikulo rito:

Read more

Solons reject impeachment raps against Marcos Jr.

Solons reject impeachment raps against Marcos Jr.

By Raymund B. Villanueva Kodao Productions MANILA – Ferdinand Marcos Jr. dodged the impeachment bullet as a congressional committee overwhelmingly voted to declare the two complaints against him as “insufficient in substance.” Voting 42 in favor of the motion of...

Walang kukurap sa laban kontra-korap 

Walang kukurap sa laban kontra-korap 

Ni M.A. ABRILPinoy Weekly Mahiya naman kayo!” patama ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang ikaapat na State of the Nation Address sa mga opisyal ng gobyerno at kontratistang sangkot sa mga maanomalyang flood control project. Sinundan ito ng hiyawan. Hindi raw...

Kaso vs 7 inaresto sa Dupax del Norte, ibinasura

Kaso vs 7 inaresto sa Dupax del Norte, ibinasura

Ni CHARLES EDMON PEREZPinoyweekly.org Ibinasura ng Regional Trial Court (RTC) Branch 30 sa Bambang, Nueva Vizcaya ang mga kasong resistance and disobedience against persons in authority at obstruction of justice laban sa pitong dinampot ng pulisya noong Ene. 23 sa...

Want to stay updated?

Pin It on Pinterest

Share This