HINDI TOTOO: Kampanya sa pagbabago ng rekord ng dating diktador, pagsisikap para ‘itama ang kasaysayan’
April 20, 2022

Sa interview ng SMNI News, nagpahayag ang suspendidong abogado at kumakandidatong senador na si Lorenzo “Larry” Gadon ng samu’t saring alegasyon, kabilang na ang paggiit na ang kampanya sa pagbabago ng rekord ng kasaysayan tungkol sa yumaong diktador na si Ferdinand Marcos ay hindi “historical revisionism” kundi “historical correction.”

“Hindi totoong magkakaroon ng historical revisionism. Minali nila ang history. What we are doing now is correcting it,” sabi ni Gadon.

ANG SABI-SABI:

Kampanya sa pagbabago ng rekord ng dating diktador, pagsisikap para ‘itama ang kasaysayan’

MARKA:

HINDI TOTOO

ANG KATOTOHANAN:

Ipinaliwanag ng Spanish historian na si Giovanni Cattini na ang ‘revisionism’ ay kadalasang karugtong ng pagmamanipula ng kasaysayan para sa magsilbi sa mga hangaring pulitikal. Habang patuloy na binabalikan ng mga mananaliksik ang kasaysayan upang maitama ang mga detalye nito, lalo na kapag may mga bagong detalye at ebidensyang lumitaw, ang mga pahayag ni Gadon ay pumapasok sa depinisyon ni Cattini ng “historical revisionism,” lalo na ang sabi-sabing ang panahon ng Martial Law ay “golden years” daw ng Pilipinas. Ang ganitong pagmamanipula sa kasaysayan ay walang batayan at halatang ginagamit para sa pulitikal na hangarin.

Marami nang fact-check report na nagsasabi na hindi totoo na “golden years ng bansa ang Martial Law.” Sa ulat ng IBON Foundation, sinabi nitong hindi maaaring tawaging “golden era” ng Pilipinas ang 20-taong administrasyong Marcos.

BAKIT KAILANGANG I-FACT CHECK:

Hindi ito ang unang beses na nagpakalat ng maling impormasyon si Gadon. Kahit ang Department of Health, pinagsabihan na ang suspendidong abogado dahil sa kanyang maling pahayag tungkol sa face masks.

Ang video na ito ng SMNI ay mayroon nang 1,800 reactions at 8,500 views sa Facebook. –Maez Estrada at Joseph Gloria

Bahagi ang Altermidya Network ng #FactsFirstPH, na pinagsasama-sama ang iba’t ibang sektor na nakatuon sa pagtataguyod ng katotohanan sa pampublikong espasyo, at paghingi ng pananagutan sa mga nananakit dito sa pamamagitan ng kasinungalingan. Para sa mga interesadong sumali sa inisyatiba, mag-email sa info@factsfirst.ph.

Magbasa ng iba pang artikulo rito:

Read more

Want to stay updated?

Pin It on Pinterest

Share This