HINDI TOTOO: May ‘malawak na akses’ si Sen. De Lima sa midya kahit nakakulong, giit ni Badoy
April 22, 2022

Noong Abril 3, naglabas ng pahayag ang tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na si Lorraine Badoy kung saan iginiit niyang kahit nakakulong si Sen. Leila De Lima, may “malawak na akses” pa rin siya sa midya, kaiba sa sitwasyon ng nahatulang kidnapper na si retired Major General Jovito Palparan Jr. na sinasabi ni Badoy ay nakulong daw dahil sa mga “gawa-gawang kaso.”

Inilabas ni Badoy ang pahayag na ito matapos ang kanyang panayam kay Palparan sa SMNI, na inulan ng batikos. Depensa pa ni Badoy, kinapanayam niya ang retiradong heneral para daw “linisin” ang pangalan nito.

MGA SABI-SABI:

May ‘malawak na akses’ si Sen. De Lima sa midya kahit nakakulong

MARKA:

HINDI TOTOO

ANG KATOTOHANAN:

Mula pa nang makulong si De Lima noong 2017, pinagbawalan na siyang magkaroon ng akses sa midya, at sa isang punto’y ginawa pa siyang ‘incommunicado,’ dahilan para higit siyang mahirapang gampanan ang kanyang mga tungkulin bilang senador. Sa kanyang higit limang taong pagkakakulong, ipinapaabot ni De Lima ang kanyang mga mensahe sa publiko sa pamamagitan ng sulat-kamay na mga tala na nakilala sa tawag na “Dispatch from Crame.

Noong Pebrero 28 lamang siya nagkaroon ng permiso mula sa Korte na makakausap ng midya kaugnay ng muli niyang pagtakbo sa halalan. Pero ipinagbawal pa rin ng Korte ang paggamit ng camera o anumang recording equipment sa nasabing mga panayam.

BAKIT KAILANGANG IFACT-CHECK:

Humaharap si Badoy sa patong-patong na reklamong administratibo sa Office of the Ombudsman dahil sa umano’y paglabag niya sa ilang mga batas bunsod ng kanyang paulit-ulit na pagyurak sa reputasyon ng mga kapwa niya nasa serbisyo sibil. Ayon sa ilan sa mga nagreklamo, ang mga pahayag ni Badoy na kadalasa’y paninira ay maituturing na “partisan political activity” na pinapatawan ng parusa sa ilalim ng Section 261, Paragraph (i) ng Omnibus Code at ipinagbabawal din sa ilalim ng Book V, Title I(A), Chapter 8, Section 55 ng Administrative Code of 1987.

Sa kasalukuyan, ang Facebook post ng NTF-ELCAC ay may 838 na reaksyon, 166 shares, at 49 komento. – Vanessa Adolfo at Jamaica Marciano

Bahagi ang Altermidya Network ng #FactsFirstPH, na pinagsasama-sama ang iba’t ibang sektor na nakatuon sa pagtataguyod ng katotohanan sa pampublikong espasyo, at paghingi ng pananagutan sa mga nananakit dito sa pamamagitan ng kasinungalingan. Para sa mga interesadong sumali sa inisyatiba, mag-email sa info@factsfirst.ph.

Magbasa ng iba pang artikulo rito:

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

More stories

News in Pictures | Fil-Ams protest trilateral meeting in DC

News in Pictures | Fil-Ams protest trilateral meeting in DC

MANILA – Filipino-American activists protested Ferdinand Marcos Jr.’s visit to the United States for the first trilateral U.S.-Japan-Philippines leaders’ summit on April 11. The national day of action was led by the Bagong Alyansang Makabayan (Bayan)-US. Protests were...

Want to stay updated?

Pin It on Pinterest

Share This