HINDI TOTOO: Mga party-list ng Makabayan Coalition, kaalyado ng CPP-NPA-NDF
May 9, 2022

Sa araw ng halalan, makikitang nakakabit sa tabi ng isang polling center sa San Pedro City, Laguna ang isang tarpaulin na nagbabansag sa mga party-list na Gabriela, Bayan Muna, Kabataan, ACT Teachers, at Anakpawis bilang kaalyado ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Nakasabit sa tabi ng San Antonio Elementary School sa Brgy. San Antonio, San Pedro City ang tarpaulin na may limang dipa ang laki at sinasabing hindi dapat iboto ang mga naturang party-list dahil sa pagkakadawit nila sa CPP-NPA-NDF.

ANG SABI-SABI:
Sa araw ng eleksyon, Makabayan Coalition, muling binansagang komunista

MARKA:
HINDI TOTOO

ANG KATOTOHANAN:
Gaya nang nabanggit sa mga nauna nang fact check ng Altermidya, naninilbihan na sa Kongreso ang mga party-list sa ilalim ng Makabayan Coalition mula pa noong 201.

Ilang beses nang itinanggi ng mga kinatawan ng Makabayan Coalition ang mga akusasyon na sila raw ay kaalyado ng CPP-NPA-NDF. Sa katunayan noong 2020, nagsagawa ng isang imbestigasyon ang Senate Committee on Defense ukol sa mga alegasyon na ito, kung saan mismong sina Bayan Muna chairperson Atty. Neri Colmenares, Bayan Muna Rep. Carlos Zarate, at Kabataan Rep. Sarah Elago ang nagtanggi sa mga kagayang akusasyon.

BAKIT KAILANGAN I-FACT CHECK:

Ang red-tagging ay hindi lamang porma ng disimpormasyon, ngunit isa rin itong banta laban sa mga kritiko ng administrasyon. Sinasabing lalo pang malala ang ganitong atake sa mismong araw ng eleksyon. Ayon sa datos ng Commission on Elections, higit 186,000 ang botante sa San Pedro City, kung saan namataan ang nasabing tarpaulin. – Lyka Naranjo

Ngayong #Halalan2022, kaagapay ng Altermidya Network ang Kontradaya at #VoteReportPH sa pagbabantay ng ating boto! Para mag-ulat ng mga isyu sa mga presinto at mga kaso ng dayaan, panggigipit sa mga botante, at iba pang anomalya, magpost sa social media gamit ang hashtag na #Kontradaya at #VoteReportPH, o i-fill up ang incident form na makikita sa mga link na ito: https://forms.gle/mQo7FpF2JcKriHpM9 o https://tinyurl.com/VRPH2022

Bahagi ang Altermidya Network ng #FactsFirstPH, na pinagsasama-sama ang iba’t ibang sektor na nakatuon sa pagtataguyod ng katotohanan sa pampublikong espasyo, at paghingi ng pananagutan sa mga nananakit dito sa pamamagitan ng kasinungalingan. Para sa mga interesadong sumali sa inisyatiba, mag-email sa info@factsfirst.ph

Magbasa ng iba pang artikulo rito:

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

More stories

News in Pictures | Fil-Ams protest trilateral meeting in DC

News in Pictures | Fil-Ams protest trilateral meeting in DC

MANILA – Filipino-American activists protested Ferdinand Marcos Jr.’s visit to the United States for the first trilateral U.S.-Japan-Philippines leaders’ summit on April 11. The national day of action was led by the Bagong Alyansang Makabayan (Bayan)-US. Protests were...

Want to stay updated?

Pin It on Pinterest

Share This