HINDI TOTOO: Si Ninoy Aquino ang nagtatag sa CPP-NPA
April 20, 2022

Sa video na inilabas ng SMNI News sa kanilang Facebook page, sinabi ni suspendidong abogado at kumakandidatong senador na si Lorenzo ‘Larry’ Gadon na ang pamilya ni yumaong Sen. Benigno ‘Ninoy’ Aquino Jr., kasama ang kanilang mga kaalyado ang pinakamalalang “historical revisionists” dahil daw sa kanilang paglarawan kay Aquino bilang “mukha ng demokrasya,” gayong siya naman daw ang nagtatag ng Communist Party of the Philippines–New People’s Army (CPP-NPA).

Sa bandang 1:02 na marka sa video, sinabi ni Gadon na “[Si Ninoy] ang pinuno at siya ang isa sa mga founder ng NPA at saka ng Communist Party of the Philippines.”

ANG SABI-SABI:

Si Ninoy Aquino ang nagtatag sa CPP-NPA

MARKA:

HINDI TOTOO

ANG KATOTOHANAN:

Mismong si Jose Maria Sison, isa sa mga kilalang nagtatag sa CPP, ang nagsabi na hindi kasama si Aquino Jr. sa pagtatayo ng CPP-NPA, at walang kahit anong koneksyon ang dating senador sa grupo. Kahit sa “brief review of the history” ng CPP na inilathala noong 1988, hindi binanggit si Aquino Jr.

BAKIT KAILANGANG I-FACT CHECK:

Marami nang fact-check reports ang naglinaw na walang koneksyon ang dating senador sa CPP-NPA. Ang nabanggit na video ay mayroon nang mahigit 1,500 reactions at 8,900 views sa Facebook.-Maez Estrada at Joseph Gloria

Bahagi ang Altermidya Network ng #FactsFirstPH, na pinagsasama-sama ang iba’t ibang sektor na nakatuon sa pagtataguyod ng katotohanan sa pampublikong espasyo, at paghingi ng pananagutan sa mga nananakit dito sa pamamagitan ng kasinungalingan. Para sa mga interesadong sumali sa inisyatiba, mag-email sa info@factsfirst.ph.

Magbasa ng iba pang artikulo rito:

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

More stories

News in Pictures | Fil-Ams protest trilateral meeting in DC

News in Pictures | Fil-Ams protest trilateral meeting in DC

MANILA – Filipino-American activists protested Ferdinand Marcos Jr.’s visit to the United States for the first trilateral U.S.-Japan-Philippines leaders’ summit on April 11. The national day of action was led by the Bagong Alyansang Makabayan (Bayan)-US. Protests were...

Want to stay updated?

Pin It on Pinterest

Share This