HINDI TOTOO: Wala daw sa FBI watchlist si Apollo Quiboloy, sabi ng SMNI

0
580

Noong Abril 15, nagpost sa kanyang Facebook account ang isang “Anna Malindog-Uy” na tinatawag ang kanyang sarili na mananaliksik at akademiko, ng maraming akusasyon laban sa Rappler at GMA News at tinawag ang media outfits na ito na “insecure, bitter, desperado,” at mga sinungaling, dahil inulat daw nilang ang may-ari ng SMNI at lider ng relihiyong Kingdom of Jesus Christ (KJC) na si Apollo Quiboloy ay nasa “Most Wanted List” ng United States Federal Bureau of Investigation (FBI).

Sagot ni Malindog-uy ang nasabing pahayag sa mga ulat na inilabas ng GMA News reporter na si Sandra Aguinaldo at ng Rappler reporter na si Lian Buan. Sinabi pa niya na hindi pa nahahatulan sa korte si Quiboloy, kaya’t hindi raw dapat tawaging pugante o nasa “wanted list” ng FBI ang pastor.

Por dios por santo naman, may tinatawag tayong presumption of innocence,” sabi ng self-proclaimed na political analyst.

Ilang beses nang lumabas bilang komentarista si Malindog-Uy sa SMNI.

ANG SABI-SABI:

Wala daw sa FBI watchlist si Apollo Quiboloy, giit ng komentarista ng SMNI

MARKA:

HINDI TOTOO 

ANG KATOTOHANAN:

Nagpalabas ang FBI ng “wanted poster for fugitive Apollo Quiboloy” matapos ang maglabas ang federal grand jury ng hatol para sa mga kasong kabilang ang sex trafficking, fraud and coercion, at bulk cash smuggling laban sa pastor.

Nabanggit na pareho ng Department of Justice at ng Department of Foreign Affairs ng Pilipinas na wala pa silang natatanggap na pormal na pakiusap mula sa US State Department para sa extradition kay Quiboloy.

Hinggil naman sa akusasyon ni Malindog-Uy na ang mga kaso ni Quiboloy ay may bahid ng pulitika, itinanggi na ng US Embassy sa Manila ang ganoong mga pahayag, at sinabi na ang pagtaguyod ng mga ganoong kaso ay bunsod ng resulta ng pinagsanib na imbestigasyon ng kanilang mga alagad ng batas. Ayon pa sa US Embassy, wala umanong kinalaman ang isyu ni Quiboloy sa nagpapatuloy na kampanya ng eleksyon sa pagkapangulo sa Pilipinas.

BAKIT KAILANGAN I-FACT CHECK 

Pagmamay-ari at kontrolado ni Quiboloy ang SMNI, na nabida na sa marami-raming fact check report dahil sa walang palya nitong paglalabas ng disimpormasyon. Vivian Vera

Bahagi ang Altermidya Network ng #FactsFirstPH, na pinagsasama-sama ang iba’t ibang sektor na nakatuon sa pagtataguyod ng katotohanan sa pampublikong espasyo, at paghingi ng pananagutan sa mga nananakit dito sa pamamagitan ng kasinungalingan. Para sa mga interesadong sumali sa inisyatiba, mag-email sa info@factsfirst.ph.

Magbasa ng iba pang artikulo rito:

Leave a reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.