HINDI TOTOO: Walang basehan ang US report tungkol sa lagay ng karapatang pantao sa Pilipinas
May 5, 2022

Noong Abril 16, naglabas ng pahayag si Acting Presidential Spokesperson Martin Andanar na nagsasabi na ang ulat ng United States Department of State hinggil sa kalagayan ng karapatang pantao sa Pilipinas ay “utterly devoid of bases [lubos na walang basehan]” 

Tumutugon si Andanar sa bahagi ng “2021 Country Reports on Human Rights Practices” ng US State Department na tumatalakay sa sitwasyon sa Pilipinas, kung saan binanggit na may mga kasapi ng security forces ng gobyerno ng Pilipinas na sangkot sa “significant rights abuses [signipikanteng pag-abuso sa karapatang-pantao],” kabilang ang pamamaslang, pwersahang pagdukot, tortyur, at pag-atake sa kalayaan sa pananalita at sa pamamahayag. 

Sinabi rin ni Andanar na ang nilalaman ng naturang ulat ay “rehash of old and recycled issues by the perennial detractors of the Duterte administration [pag-uulit ng lumang mga isyung matagal nang ipinupukol sa administrasyong Duterte].” Sinusuhayan ng pahayag ni Andanar ang mga naunang paggigiit nina Defense Secretary Delfin Lorenzana at Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na parehong tinawag na walang basehan ang naturang ulat mula sa US Department of State. 

ANG SABI-SABI: 

Walang basehan ang US report tungkol sa lagay ng karapatang pantao sa Pilipinas 

MARKA: 

HINDI TOTOO 

ANG TOTOO:  

May mga bahagi ang nasabing ulat ng State Department na binatay sa mga pampublikong anunsyo ng Commission on Human Rights (CHR) at ng Department of Justice (DOJ) ng Pilipinas, na parehong kumilala sa mga abusong nagawa ng gobyerno. 

Inirekomenda ni DOJ Secretary Menardo Guevarra ang paghabla ng mga kaso laban sa 17 pulis na sangkot sa tinawag na “Bloody Sunday,” na pamamaslang na nagresulta sa pagkamatay ng siyam na aktibista noong Marso 7, 2021 sa Timog Katagalugan. Pinuna rin ng pumanaw na CHR Chair Jose Luis Martin “Chito” Gascon ang administrasyong Duterte sa mga pagpatay kaugnay ng gyera kontra droga, na aabot na sa tinatayang 27,000 ang naging biktima noong huling bahagi ng 2018. 

Binanggit din ng US human rights report ang grupong ang Karapatan bilang isa sa mga pinagkunan ng datos. Inilathala ng Karapatan ang sarili nitong 2021 annual national human rights report

BAKIT KALANGAN I-FACT CHECK:  

Batay sa pag-aaral na inilathala ng University of California Santa Barbara, lumalabas na ang mga maling impormasyon na inilalabas ng gobyerno ay kabilang sa pagsisikap nitong sugpuin ang kritisismo at lehitimong oposisyon, at sumusuhay ang ganitong mga aksyon sa paglala ng kawalang hustisya. Ayon sa Amnesty International, ang paglaganap ng kultura ng kawalang hustisya sa bansa ay nagpapatindi pa sa mga pagpatay at iba pang paglabag sa karapatang pantao. 

Ang Philippine News Agency, na ahensya ng balita ng gobyerno, ang naglathala sa pahayag ni Andanar at ngayo’y may 1,600 shares na sa Facebook. – Vivian Vera 

Bahagi ang Altermidya Network ng #FactsFirstPH, na pinagsasama-sama ang iba’t ibang sektor na nakatuon sa pagtataguyod ng katotohanan sa pampublikong espasyo, at paghingi ng pananagutan sa mga nananakit dito sa pamamagitan ng kasinungalingan. Para sa mga interesadong sumali sa inisyatiba, mag-email sa info@factsfirst.ph.

Magbasa ng iba pang artikulo rito:

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

More stories

News in Pictures | Fil-Ams protest trilateral meeting in DC

News in Pictures | Fil-Ams protest trilateral meeting in DC

MANILA – Filipino-American activists protested Ferdinand Marcos Jr.’s visit to the United States for the first trilateral U.S.-Japan-Philippines leaders’ summit on April 11. The national day of action was led by the Bagong Alyansang Makabayan (Bayan)-US. Protests were...

Want to stay updated?

Pin It on Pinterest

Share This