Journalism workshop, natigil dahil sa banta ng nagpakilalang sundalo
July 23, 2023

Napilitang itigil ang mobile journalism workshop na inilunsad ng CEGP-Central Luzon sa pakikipagtulungan sa Altermidya Network kahapon, July 22, dahil sa pagbabanta ng dalawang nagpakilalang sundalo sa Angeles, Pampanga.

Nagsasagawa ng workshop ang mga estudyante mula sa ibat ibang paaralan sa Central Luzon nang may dalawang hindi unipormadong lalaki ang sumilip na nagpakilalang pulis para raw makiinom ng tubig.

Kalaunan, kinausap nila ang namamahala sa venue, nagpakilalang sundalo at ipinakita ang litrato ng isa sa mga kalahok, si Kleng Mendiola, ang CEGP-CL coordinator. Sinabi sa staff ng venue na si Kleng ay aktibista at kung maaari ay kuhanan ng litrato ang mga kasama sa aktibidad. Nang hindi pumayag ang staff ng venue, nagbanta sila bago umalis na susundan na lamang nila si Kleng pagtapos ng programa.

Dahil sa banta, nagdesisyon ang organizers na pansamantalang itigil ang workshop para sa seguridad ng mga kalahok.

Mariing kinukundena ng Altermidya ang ganitong harassment at surveillance sa mga kasapi ng campus publication.

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

More stories

BAYAN to BBM: Do not let PH be another Ukraine

BAYAN to BBM: Do not let PH be another Ukraine

'US puppet Zelensky led his country to war against Russia’ Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) urged President Ferdinand Marcos Jr. to protect the Philippines from becoming another Ukraine, a casualty in another proxy war by the United States of America (USA) against...

ACT announces teaching supplies allowance increase

ACT announces teaching supplies allowance increase

Public school teachers will soon receive higher teaching supplies allowances from the current P5,000 to double the amount, the Alliance of Concerned Teachers (ACT) announced. ACT said it lauds the passage of the the “Kabalikat sa Pagtuturo Act” doubling the benefit to...

Manggagawa ka nga

Manggagawa ka nga

ni DOMINIC NOLASCO Mula sa umagang hindi pa sumisinag ang araw,sa dilim ng bukang liwayway ikaw ang tanglaw,Dala-dala'y Martilyo, Pagkaing baon, at ang iyong bimpo,Kaunting sikap na lang at matatamo ang kalayaang inaasam mo. Sa kamay ng mga mapanupil na korporasyon,Sa...

Want to stay updated?

Pin It on Pinterest

Share This