Manggagawa ng URC, nagprotesta sa Cebu
February 21, 2023

Protesta ng mga manggagawa ng Universal Robina Corporation Cebu sa harap ng tanggapan ng Department of Labor and Employment. Larawan mula sa Aninaw Productions

Nagprotesta sa harap ng tanggapan ng Department of Labor and Employment (DOLE) Region VII ang mga manggagawa ng planta ng Universal Robina Corporation (URC) sa Mandaue City noong Pebrero 17 upang igiit ang regular na empleyo.

Naghain sila ng motion for reconsideration hinggil sa iligal na tanggalan na ginawa ng kumpanya noong April 2022.

Sa kabila ng pangakong i-absorb at ilipat ng agency, nasa 293 kontraktuwal na manggagawa, sa ilalim ng agency na People First Labor Service Cooperative (PFLSC), ang naiwan sa floating status.

Bukod sa kawalan ng regular na trabaho, kinakaharap din ng mga manggagawa sa Region VII ang napakataas na mga presyo ng pagkain at serbisyo.

Ayon sa Ibon Foundation, P1,235 ang tinatayang nakabubuhay na sahod sa rehiyon, malayo sa kasalukuyang P435 na minimum wage sa Cebu.

Pag-aari ng pamilyang Gokongwei ang URC na kilala sa mga produktong pagkain at inumin tulad ng Jack ‘n Jill, Nissin, C2, Swiss Miss at Vitasoy. Gumagawa rin ang kumpanya ng mga pagkain at gamot para sa livestock tulad ng manok at baboy.

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

More stories

News in Pictures | Fil-Ams protest trilateral meeting in DC

News in Pictures | Fil-Ams protest trilateral meeting in DC

MANILA – Filipino-American activists protested Ferdinand Marcos Jr.’s visit to the United States for the first trilateral U.S.-Japan-Philippines leaders’ summit on April 11. The national day of action was led by the Bagong Alyansang Makabayan (Bayan)-US. Protests were...

Want to stay updated?

Pin It on Pinterest

Share This