MGA LARAWAN: Protesta sa araw ng unang SONA ni Marcos Jr.

Nagsasagawa ng kilos-protesta ang iba't ibang grupo bago ang nakatakdang SONA ni Pangulong Marcos Jr., Hulyo 25. Photo by Luis Dela Cruz/Altermidya
Protesta ang isinalubong ng mahigit 8,000 na mga demonstrador sa unang State of the Nation Address ni Ferdinand Marcos Jr. ngayong Hulyo 25, 2022 sa Commonwealth Avenue, Quezon City.
Inilunsad ng iba’t ibang progresibong organisasyon sa pamumuno ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) ang “Peoples’ SONA” kung saan ipinanawagan ng mga sektoral na organisasyon ang kanilang mga kahingian sa administrasyon ni Marcos Jr.
Ilan sa mga tampok na panawagan ng mga dumalo sa People’s SONA ay ang pagpapababa ng presyo ng mga bilihin at produktong petrolyo, kasiguruhan sa trabaho at nakabubuhay na sahod, pagtigil sa malawakang red-tagging, at iba pa.
- Nagmartsa sa Commonwealth Avenue ang mga grupo mula sa iba’t ibang sektor, ilang oras bago ang nakatakdang SONA ni Pangulong Marcos Jr. Photo by Je Oguis/Altermidya
- Nananawagan ang mga aktibista na ibasura ang Oil Deregulation Law na isa sa mga dahilan ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa bansa. Photo by Mark Saludes/Altermidya
- Kinukuhanan ng litrato ng isang motorista ang effigy ni Ferdinand Marcos Jr. habang ipinaparada ito sa Commonwealth Ave. Photo by Mark Saludes/Altermidya
- Ipinarada ng mga miyembro ng Katribu ang effigy ni Ferdinand Marcos Jr. bilang pakikiisa sa SONA ng bayan sa Unibersidad ng Pilipinas, Hulyo 25. Photo by Mark Saludes/Altermidya
- Nakikiisa ang mga taong simbahan sa isinasagawang kilos-protesta, ilang oras bago ang unang SONA ni Pangulong Marcos Jr. Photo by Mark Saludes/Altermidya
- Nagsasagawa ng kilos-protesta ang mga manggagawang pangkalusugan, ilang oras bago ang nakatakdang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Unibersidad ng Pilipinas, Hulyo 25. Inaasahan ng mga healthcare workers sa Pilipinas na maglalatag ng konkretong plano ang kasalukuyang administrasyon. Photo by Mark Saludes/Altermidya
- Inaasahan ng mga magsasaka na magiging bahagi ng SONA ni Pangulong Marcos Jr. at kasalukuyang secretary ng Department of Agriculture, partikular na ang pagsasabatas ng Rice Development Act. Nananawagan din ang grupo sa pagbabasura ng Rice Tarrification Law. Photo by Mark Saludes/Altermidya.
- Tinitingnan ng napadaang mga residente ang wall art na inilagay ng mga nagprotesta sa araw ng SONA ni Pangulong Marcos Jr. Photo by Migs Ruiz/Altermidya
- Nagsasagawa ng kilos-protesta ang iba’t ibang grupo bago ang nakatakdang SONA ni Pangulong Marcos Jr., Hulyo 25. Photo by Luis Dela Cruz/Altermidya
- Sinisira ng mga nagprotesta ang effigy ni Pangulong Marcos Jr. bilang pagtatapos sa programa sa Commonwealth Ave. Photo by Luis Dela Cruz/Altermidya