Namatay sa lindol sa Türkiye at Syria, lampas 40,000 na
February 21, 2023

Lampas 40,000 na ang naiulat na namatay dulot ng 7.8 magnitude na lindol na tumama sa bansang Türkiye at Syria noong Pebrero 6. Larawan mula sa EU Civil Protection and Humanitarian Aid

Lampas 40,000 na ang naiulat na namatay dulot ng 7.8 magnitude na lindol na tumama sa bansang Türkiye at Syria noong Pebrero 6.

Ayon sa inisyal na ulat ng gobyerno ng Türkiye, Syria at United Nations (UN), aabot sa 35,418 ang naitalang namatay sa Türkiye at 5,800 naman sa Syria.

Sa patuloy na pagsisikap na maisalba ang mga mamamayan na naipit at natabunan ng mga gumuhong gusali, nakapagligtas na ng humigit 8,000 indibidwal sa Türkiye ayon kay Turkish President Recep Tayyip Erdogan.

Sa kasamaang palad, mayroong dalawang Pilipino ang namatay sa lindol sa ulat ng embahada ng Pilipinas sa Ankara noong Pebrero 10.

Dumating naman sa Türkiye noong Pebrero 9 ang Philippine Inter-agency Humanitarian Contingent na binubuo ng 82 katao mula sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan upang magbigay ng tulong sa public and medical care, water sanitation nutrition in emergencies at mental and psychosocial support.

Ayon sa Department of Foreign Affairs ng Pilipinas, may 60 Pilipino ang naapektuhan ng lindol at walang naitalang namatay na Pilipino sa Syria.

Sa taya ng UN, aabot sa 5.3 milyong mamamayan sa Syria ang nawalan ng tirahan dulot ng malakas na lindol, habang 900,000 ang kagyat na nangangailangan ng pagkain sa naturang mga bansa. Deo Montesclaros/pinoyweekly.org

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

More stories

News in Pictures | Fil-Ams protest trilateral meeting in DC

News in Pictures | Fil-Ams protest trilateral meeting in DC

MANILA – Filipino-American activists protested Ferdinand Marcos Jr.’s visit to the United States for the first trilateral U.S.-Japan-Philippines leaders’ summit on April 11. The national day of action was led by the Bagong Alyansang Makabayan (Bayan)-US. Protests were...

Want to stay updated?

Pin It on Pinterest

Share This