Pagbuwag sa NTF-ELCAC, iginiit
May 19, 2024

Ni KRISTEN NICOLE RANARIO
Pinoy Weekly

“Hindi kami terorista.”

Ito ang diin ni Danilo Ramos, tagapangulo ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) sa harap ng midya noong Mayo 13 para kondenahin ang patuloy na pag-atake sa karapatang pantao at seguridad ng mga magsasaka.

Ayon sa datos ng human rights watchdog na Karapatan na ibinahagi ng KMP, mayroong mahigit 1.6 milyong biktima ng panre-red-tag mula Hulyo 2022 hanggang Disyembre 2023 sa ilalim ng rehimeng Marcos Jr.

Pinangungunahan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang pagbabanta at panre-red-tag sa mga progresibong organisasyon at indibidwal na tunay na nananawagan sa kaunlaran, karapatan at kalayaan.

“Hindi mahihinto ang tuloy-tuloy na paglabag sa karapatang [pantao] dahil sa government policies and programs, lalong-lalo na po ang Anti-Terrorism [Act], Executive Order No. 70, the creation of National Task Force to End Local Communist Armed Conflict,” ani Ramos. 

Lantarang pagbabanta

Isa si Cita Managuelod mula Danggayan Dagiti Mannalon ti Isabela (Dagami) at national council member ng KMP sa naging biktima ng matinding panunupil ng NTF-ELCAC.

Idineklarang persona non grata sa Mallig, Isabela si Managuelod matapos matagumpay na isulong ang mga karapatan ng mga magsasaka ng Hacienda Sta. Isabel.

Bukod pa ito sa pagbabantang kanyang natanggap nang maglunsad ang kakabaihang magsasaka ng programa laban sa kagutuman sa pamamagitan ng pamimigay ng bigas, pagkain at komunal na gulayan para sa mga nasalanta ng Bagyong Ulysses noong 2020.

Hindi nalalayo sa karanasang ni Jeverlyn Seguin, deputy secretary general ng Katipunan ng mga Samahang Magbubukid sa Timog Katagalugan (Kasama-TK) na nakaranas ng pagmamatyag, karahasan at red-tagging mula sa NTF-ELCAC at Philippine National Police (PNP).

“Alam kong alam ng NTF-Elcac, Armed Forces of the Philippines at PNP kung saan ako hahanapin at paano ako kakausapin, ngunit ginagawa nilang taktika ang panre-red-tag at paninira sa akin upang ihiwalay o i-isolate ako sa mga komunidad na ino-organisa ko,” aniya.

Patunay ito na karaniwan na dahas ang salubong sa mga nagsusulong ng karapatan at makataong kabuhayan para sa mga magsasaka.

Binigyang komendasyon din ng mga grupo ang kumakailang pagdedeklara ng Korte Suprema sa panre-red-tag bilang banta sa buhay. 

Pikit-matang rehimen

Bagaman idineklara ng Korte Suprema na banta sa buhay, kalayaan at seguridad ang red-tagging, nanindigan naman si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi nito ibabasura ang NTF-ELCAC.

Aniya, wala umanong dahilan para buwagin ito sapagkat walang kinalaman dito ang gobyerno kahit pa dokumentado at lantaran ang mga pagbabanta sa mga biktima.

Ngunit para kay Ramos, isang huwad na ahensiya ang NFT-ELCAC na may layuning pagandahin ang imahe ng administrasyong Marcos Jr. upang ipakitang pinapahalagahan ng kanyang rehimen ang karapatang pantao ng mamamayan.

“Mahalaga po ang naging desisyon ng Korte Suprema at binabanggit doon ang red-tagging at kahulugan nito—surveillance, intimidation, extrajudicial killings, trumped-up charges,” ani Ramos.

Hinimok ni Ramos na magkaisa hindi lamang ang hanay ng mga manggagawa sa agrikultura kundi maging ang iba’t ibang sektor na kanyang inihambing sa kanyang hawak-hawak na abaka na aniya’y walang tibay kung nag-iisa.

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

More stories

BAYAN to BBM: Do not let PH be another Ukraine

BAYAN to BBM: Do not let PH be another Ukraine

'US puppet Zelensky led his country to war against Russia’ Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) urged President Ferdinand Marcos Jr. to protect the Philippines from becoming another Ukraine, a casualty in another proxy war by the United States of America (USA) against...

ACT announces teaching supplies allowance increase

ACT announces teaching supplies allowance increase

Public school teachers will soon receive higher teaching supplies allowances from the current P5,000 to double the amount, the Alliance of Concerned Teachers (ACT) announced. ACT said it lauds the passage of the the “Kabalikat sa Pagtuturo Act” doubling the benefit to...

Manggagawa ka nga

Manggagawa ka nga

ni DOMINIC NOLASCO Mula sa umagang hindi pa sumisinag ang araw,sa dilim ng bukang liwayway ikaw ang tanglaw,Dala-dala'y Martilyo, Pagkaing baon, at ang iyong bimpo,Kaunting sikap na lang at matatamo ang kalayaang inaasam mo. Sa kamay ng mga mapanupil na korporasyon,Sa...

Want to stay updated?

Pin It on Pinterest

Share This