Pagigiit ng katiyakan sa trabaho sa Nexperia, tagumpay
October 1, 2024

Ni JULIANE BERNADINE DAMAS
Pinoy Weekly

Matapos ang mahabang pakikipaglaban sa hindi makatarungang tanggalan at paglabag sa collective bargaining agreement (CBA), ipinahayag ng Nexperia Philippines Inc. Workers Union (NPIWU) ang tagumpay sa pagigiit nito ng katiyakan sa trabaho nitong Set. 18.

Ayon sa unyon, naabot na ang kasunduan sa pagitan nila at ng management ng Nexperia Philippines Inc. sa unfair labor practice, batid ang pagbalik sa mga mangagawang natanggal, pagpapalawig ng voluntary separation program (VSP) na may karampatang benepisyo at patuloy na pagsulong ng usapan sa CBA.

Kabilang sa mga kasunduang ito ang extension ng VSP package para sa mga tinanggal, pagpapatuloy ng health management organization (HMO) coverage, pagbibigay prayoridad sa mga natanggal sa hiring at kasunduan na walang tanggalan o pagbabawas ng manggagawa hanggang Dis. 31, 2024.

Napagkasunduan din na hindi na magsasampa ng reklamo laban sa kompanya ang unyon at babawiin na ang notice of strike (NOS) sa unfair labor practices, pagbabayad ng VSP package, pagbibigay ng proportionate 13th at 14th month pay bago ang Okt. 7, 2024 at kasunduan ng dalawang panig na walang gagawing kahit anong mga hakbang para maghiganti.

“Mahalaga ang patuloy na pagbabantay upang masiguro na ang mga kasunduan ay igagalang at ipapatupad ng Nexperia management. Ang mga paghahanda at laban na ginawa ay nagbigay daan sa kinakaharap na CBA negotiation, kaya dapat tayong manatiling determinado upang makamit ang buong tagumpay,” pahayag ng unyon.

Dagdag pa, bagaman hindi pa ganap ang lahat, ipinapakita ng mga pangyayari na kailangan pang pag-ibayuhin ang pagkilos para sa konsolidasyon, lalo na’t mayroon pa ring banta sa kanilang hanapbuhay habang patuloy na nagtitipid ang mga kapitalista.

“Ang suportang ipinakita ng bawat isa ay nagsisilbing inspirasyon para sa mga susunod na hakbang,” sabi ng unyon.

Binigyang diin din ng unyon ang kahalagahan ng pagiging handa sa anumang resulta ng magiging negosasyon at pagpapatuloy ng laban hanggang sa tagumpay kung kinakailangan.

Read more

Nagpapakain sa bayan, dinadahas, pinapatay

Nagpapakain sa bayan, dinadahas, pinapatay

Ni AXELL SWEN LUMIGUEN, TRISHA ANNE NABORPinoy Weekly Ilang araw bago ang paggunita sa Buwan ng mga Magbubukid ngayong Oktubre, pinatay ang mga magsasakang sina Roger Clores at Ronnel Abril ng 2nd Infantry Battalion ng Philippine Army (IBPA) sa Uson, Masbate noong...

90% ng ruta sa NCR, paralisado sa tigil-pasada–Piston

90% ng ruta sa NCR, paralisado sa tigil-pasada–Piston

Ni KRISTEN NICOLE RANARIOPinoy Weekly Tuloy ang laban para sa mga transport group na Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide (Piston) at Samahang Manibela Mananakay at Nagkaisang Terminal ng Transportasyon (Manibela) matapos ang dalawang araw na...

Want to stay updated?

Pin It on Pinterest

Share This