Palayain si Frenchie Mae Cumpio at ang Tacloban 5! Ipaglaban ang kalayaan sa pamamahayag!
November 11, 2024

Nananawagan kami para sa kagyat na pagpapalaya ng kapwa mamamahayag na si Frenchie Mae Cumpio, isang community journalist at Executive Director ng Eastern Vista, kasapi ng Altermidya Network at ng International Association of Women in Radio and Television-Philippines. Si Frenchie, kasama ang apat na iba pa, ay iligal na inaresto noong Pebrero 7, 2020 matapos i-raid ang kanilang tinutuluyang bahay at opisina at taniman ng mga pekeng ebidensya.

Sa Nobyembre 11, Lunes, haharap si Frenchie sa unang pagkakataon upang tumestigo laban sa mga gawa-gawang kasong isinampa sa kanya. Kinahaharap ni Frenchie ang mga kaso ng terrorism financing at illegal possession of firearms and explosives. Buo ang suporta ng mga mamamahayag para kay Frenchie, sa Tacloban 5, at sa kanilang pamilya sa laban para sa hustisya at paglaya.

Ang nangyari kay Frenchie ay matingkad na halimbawa ng nagpapatuloy na pag-atake sa kalayaan sa pamamahayag at tumitinding kawalan ng pananagutan sa mga paglabag sa karapatang pantao sa hanay ng mga mamamahayag sa bansa. Hindi isang krimen ang paglalantad ng katotohanan, lalo na ang hinaing ng inaaping mamamayan.

Ipinapakita rin ng kasong ito kung paanong ginagamit ang “terorismo” upang bigyang katwiran ang panunupil sa malayang pagpapahayag. Ginagamit na sandata ang Anti-Terror Act at Terrorism Financing Prevention and Suppression Act laban sa mga kritiko, aktibista at human rights defenders.

Nananawagan kami sa aming kapwa mamamahayag at lahat ng mamamayan na kalampagin ang gobyerno upang ibasura ang mga gawa-gawang kaso, palayain si Frenchie at kanyang mga kasamahan at ipawalang bisa ang Anti-Terror Act at Terrorism Financing Act.

Altermidya
National Union of Journalists of the Philippines
College Editors Guild of the Philippines
Pinoy Media Center
International Association of Women in Radio & Television
Photojournalists Center of the Philippines

Read more

Ambush on Abra mayoral candidate’s convoy kills two

Ambush on Abra mayoral candidate’s convoy kills two

By ARTEMIO DUMLAOwww.nordis.net BAGUIO CITY— Two people were killed, and another was injured after unidentified gunmen ambushed the convoy of Pidigan mayoralty candidate and former Langiden Mayor Artemio “Billy Boy” Donato Jr. on Friday afternoon, February 28, at...

Seach continues for two missing activists in Bicol

Seach continues for two missing activists in Bicol

LEGAZPI CITY - Families of the victims, Karapatan Bikol, Hustisya, and Desaparecidos reiterate the call to urgently and safely surface Felix Salaveria Jr., James Jazmines, and all victims of enforced disappearances, March 1. It has been six (6) months since their...

Want to stay updated?

Pin It on Pinterest

Share This