Pondo sa Pasismo

0
171

Sa 2021 Pambansang Badyet ng rehimeng Duterte, tila prayoridad ang imprastraktura at pasismo, hindi ang kalusugan at iba pang serbisyo na kailangang kailangan sa panahonng pang-ekonomiyang krisis at pandemyang coronavirus disease 2019 (Covid-19).

Nagaganap na sa kasalukuyan ang mga pagdinig ng Kongreso sa Pambansang Badyet para sa taong 2021. Umaabot sa P4.506 Trilyon ang panukalang badyet para sa 2021, mas malaki ng 9.9 porsiyento kumpara sa badyet ng nakaraang taon.

“Reset, Rebound, and Recover: Investing for Resiliency and Sustainability” ang tema ng panukalang badyet, ayon sa Department of Budget Management (DBM). Sabi pa ng DBM, pokus umano ang nasabing badyet sa pag-aresto ng pagkalat at pagpapahupa sa mga epekto ng virus habang anila’y sinisimulan muli ang ekonomiya upang “matulungang makapagsimula, makabawi at makarekober mula sa krisis”.

Sa kabila ng ganitong mga layunin, kapansin-pansing ikalima lang ang kalusugan sa may pinakamataas na alokasyon sa badyet para sa 2021. Mas malaki pa ang inilaan sa mga proyektong pang-imprastraktura kaugnay ng programang Build Build Build at para sa militar at pambansang depensa.

Sa pagugrupo ng gobyerno sa mga badyet ng mga ahensiya, magmumukhang pinakamalaki ang badyet para sa serbisyong pampubliko. Umabot sa P1.7-T ang pondo para sa mga serbisyong ito, kung saan napapaloob na ang mga ahensiya tulad ng Department of Education (DepEd) at Department of Health (DOH).

Lumalabas na malaki ang makukuha ng sektor ng edukasyon kasi nakapaloob na sa P754.4 Bilyon ang ilalaang pondo para sa ilang ahensiya: ang DepEd, Commission on Higher Education, Technical Education and Skills Development Authority, at mga pampublikong unibersidad at kolehiyo.

Kung ikukumpara ito sa matatanggap ng bawat ahensiya, Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pinakamalaking matatanggap na pondo kung papasa sa mga pagdinig itong 2021 National Expenditure Program (NEP). Mula P438.9-B ngayong taon, aakyat ang kanilang pondo sa P667.3-B sa 2021.

Pinuna ng progresibong mga grupo ang anila’y malalaking alokasyon sa 2021 badyet para sa militarisasyon na anila’y mas maraming pondo para sa pasismo at panggigipit ng mga kritiko. Gayundin ang mga anila’y pawang mga “pork” sa panukalang badyet tulad ng Support to the Barangay Develepment ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-Elcac) at ang lump sum fund ng DPWH.

Akma nga ba ang prayoridad sa badyet ng gobyerno ngayong 2021 upang masugpo pandemyang Covid-19 at bigyan ng ayuda ang mga mamamayan na lubhang naapektuhan nito? O ito ba’y para sa pagsugpo ng mga kritiko ng administrasyon at itinuturing na mga “kalaban” nito? O para sa pakinabang ng mga kaalyado?

Imprastraktura ang prayoridad

Pangalawa sa may pinakamataas na alokasyon ang DPWH. Sa parating na fiscal year, inilalaan ang P613-B pondo para sa mga proyektong pang-imprastraktura na nasa ilalim ng programang Build Build Build ng gobyerno.

Para sa Ibon Foundation, independiyenteng institusyon ng pananaliksik, repleksiyon umano ito na imprastraktura pa rin ang prayoridad ng gobyerno sa kabila ng kinakaharap na pandemya. Ayon pa sa Ibon, marami pang mga negosyo ang hindi pa makakapagbukas at marami pang pamilya ang walang trabaho o maliit ang kinikita sa kabila ng pagluwag ng mga restriksiyon sa lockdown.

“Hindi lang malabo kundi kaduda-dudang marami sa mga panukalang proyektong impras-traktura ay makaka-tulong sa lahat ng mga nanatiling namimighati (dis-tressed) sa susunod na taon,” saad pa ng nasabing institusyon.

Samantala, ibinun-yag naman ni Gabriela Rep. Arlene Brosas ang aniya’y “parked pork” ng DPWH sa panukalang badyet nito sa susunod na taon. Tinutukoy ng mambabatas, ang P397.22-B 60 porsiyento ng badyet na nakalagak sa DPWH Central Office na umano’y mga pondong lump sum o walang detalye o “breakdown”.

“Mahalagang malaman ng ating mga kababayan kung saan dadalhin ng DPWH ang tumataginting na P397.2-B halaga ng imprastraktural sa badyet na walang breakdown, na posibleng parked pork na bulnerable sa korupsiyon,” ani Brosas.

Ayon pa sa mambabatas, ang naturang pondo’y sapat para sa pagpapatayo ng karagdagang pampublikong mga ospital at health centers lalo na sa kasalukuyang abang kalagayan ng sistemang pangkalusugan ng bansa.

Pondo pangkalusugan

“Bakit mas malaki ang funding ng flood control projects ng DPWH sa buong budget ng DOH?” ani Sen. Grace Poe, sa isa sa mga pagdinig para sa badyet. Papaano, mas maliit pa ang balak ilaan na P131-B para sa buong ahensiya ng DOH kung ikukumpara sa P150-B para sa proyekto pangtugon sa pagbaha ng DPWH.

Ikinumpara naman ni Kabataan Rep. Sarah Elago ang pondo ng DOH sa pondong ilalaan para sa Armed Forces of the Philippines (AFP). Giit niya, pinapakita pa ba ng gobyerno na prayoridad ang pagtugon sa pandemya kung papasa ang nanliit na P131-B ng DOH samantalang P236-B naman ang ilalaan para sa AFP.

Mula sa pagpuna sa pangkabuaang pondo na balak ilaan para sa DOH, nariyan naman ang mas masinsin na pagtingin dito ng Ibon.

Kung maaprubahan itong panukalang badyet, tataas ang pondo ng DOH mula P104-B ngayong taon papuntang P131-B sa 2021. Pero pagpupunto ng Ibon, natapyasan naman ang pondo para sa mga programang mahalaga para sa pagtugon sa pandemya.

Ngayong taon, tulad nitong nakaraan, mababawasan ang panukalang pondo para sa Health Facilities Enhancement Program na mapupunta sana sa pagpapaganda at pagpapanatili ng pampublikong mga pasilidad pangkalusugan. Mula sa nakalaang P8-B ngayong taon, magiging P4.8-B na lang ang pondo para sa 2021. Iniaatas na kasi sa mga ospital mismo ang trabaho ng pagbuo ng pondo para sa kanya-kanyang imprastruktura.

Dagdag pa rito ang badyet na ilalaan para sa epidemolohiya, na sangay ng siyensiyang pangmedisina na tumutok sa pagkontrol sa pagkalat ng mga sakit. Ang pondo para sa Epidemiology and Surveillance Program, halimbawa, na pinondohan ngayong taon ng P116 Milyon, kulang sa kalahati ng pondo mula 2019 na P263-M, ay mababawasan pa ng P3-M sa 2021.

“Kailangang mamuhunan ang gobyerno sa pagpapalakas ng pampublikong sistema ng kalusugan, pagtatayo ng higit pang pasilidad para sa kalusugan, at pagpapaunlad ng pananaliksik para dito,” giit ng Ibon. Anila, sa ganitong paraan, lalapit ang bansa sa pagwawakas ng pandemyang nagpapahirap sa maraming Pilipino.

Seguridad sa pagkain?

Sunod sa listahan ng Department of Budget and Management (DBM) ng sinasabi nitong prayoridad ng panukalang badyet ang seguridad sa pagkain sa bansa.

Ayon kay Agrarian Reform Usec. Bernie Cruz, hindi sasapat ang inilaang pondo sa National Expenditure Program para sa Food Security Program ng bansa.

Giit naman Agriculture Sec. William Dar, “Gusto lang nating seguruhin na magkapantay ang kontribusyon ng sektor sa ekonomiya at ang nakukuha nitong pondo mula sa kaban ng bayan.” Pagpupunto niya pa sa mga pagdinig para sa badyet, agrikultura ang pumupuno sa 10 porsiyento ng gross domestic product ng bansa, pero nasa tatlong porsiyento lang ng national budget ang nakukuha nitong pondo.

Nasa P284-B ang hiniling na pondo ng Department of Agriculture (DA) para sa 2021, pero nasa P86-B lang ang ipinasa ng DBM sa 2021 NEP. May P66-B namang panukala na ilalaan bilang stimulus fund sa mga magsasaka at negosyong pang-agrikultura na naapektuhan ng pandemya.

Pero bukod pa sa pondo, ginigiit ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas ang pagwawasto sa polisiya ng DA.

“Kahit lumaki ang pondo, kung hindi naman nakatutok ang balangkas ng polisiya ng DA sa tunay na kalagayan at pangangailangan ng mga magsasaka at ng lokal na agrikultura, wala ring saysay ang ilalaan na badyet,” ayon dito. Pinupukol na isyu ng KMP ang sinasabing “digital agriculture” ng DA, samantalang hindi pa natutugunan ang mas batayang mga problema sa agrikultura sa bansa.

Magkarugtong ang usaping pondo at polisiya kaya kailangang tutukan ng mga Pilipino, hindi lang ang usapin ng magkano, kung hindi pati ang usapin ng para kanino.

‘Pork’ ng mga heneral

Isa sa kontrobersiyal na alokasyon sa pambansang badyet sa susunod na taon ang pagtaas ng badyet para sa NTF-Elcac na lumobo nang halos 3,000 porsiyento. Mula P622.3-M noong 2020 patungo sa P19.1-B ngayong 2021.

Sa P19.1-B na badyet ng NTF-Elcac, P16.4-B nito’y ilalaan para sa Support to the Barangay Development Program. Sa ilalim ng naturang programa, ang naturang ahensiyang kontra-insurhensiya ang maglalaan ng P20-M sa bawat barangay para sa mga proyektong pangkabuhayan sa mga lugar na “infiltrated” (may presensiya) o “threatened” (may banta) ng insurhensiya.

Tinawag itong “pork” ng retiradong mga heneral ni Bayan Muna Rep. Carlos “Kaloy” Zarate. Aniya, binibigyan ng labis-labis na diskresyon ang mga ito sa paggamit ng naturang pondo.

“Sila ang magsi-certify. Sila magbibigay. Mas matindi pa ito sa pork barrel ng Kongresista. Magdi-dispense sila ng P20-M kada barangay. Can you imagine that? Talagang pork ito in aid of whatever,” ani Zarate, sa panayam ng Rappler.

Kukunin ang pondo ng naturang programa mula sa mga dati nang mga budget item sa ilalim ng Local Government Support Fund – pagtatayo ng mga farm-to-market road, school building, tulong-pinansiyal (medikal, pagpapalibing, transportasyon, at educational assistance) at iba pang kahalintulad – na matagal nang ipinatigil ng Korte Suprema sa ilalim ng sistemang pork barrel.

Pangangasiwaan ng NTF-Elcac ang naturang programa. Ito rin ang may kapangyarihang mag-apruba at magbigay ng pondo sa mga barangay.

Samantala, inalmahan ng Kilusang Mayo Uno (KMU) ang alokasyon ng badyet para sa militar. Anila, hakbang ito tungo sa pagbibigay-daan at pagnonormalisa ng “terorismo ng estado”.

Ang P209.1-B pondo ng Department of National Defense, lumaki nang 11 porsiyento P34.1-B mula sa badyet ng nakaraang taon.

“Ang malaking badyet para sa militar ay mangangahulugan ng mas malaking kapangyarihan sa paghahasik ng lagim sa mga siyudad at sa kanayunan. Mas maraming kaso ng redtagging, paniniktik, aresto at pagpaslang ang popondohan gamit ang kaban ng bayan,” saad ni Elmer “Ka Bong” Labog, tagapangulo ng KMU.

Pinuntirya din ng grupo ang P1.69-B alokasyon para sa intelligence funds na bahagi ng badyet ng militar. Anila, ilipat ang naturang pondo sa kalusugan at iba pang kinakailangang serbisyo para labanan ang Covid-19.S

 2021 Pambansang Badyet ng rehimeng Duterte, tila prayoridad ang imprastraktura at pasismo, hindi ang kalusugan at iba pang serbisyo na kailangang kailangan sa panahonng pang-ekonomiyang krisis at pandemyang coronavirus disease 2019 (Covid-19).

Pinuntirya din ng grupo ang P1.69-B alokasyon para sa intelligence funds na bahagi ng badyet ng militar. Anila, ilipat ang naturang pondo sa kalusugan at iba pang kinakailangang serbisyo para labanan ang Covid-19. Joseph Dy Tioco and Andrea Jobelle Adan/pinoyweekly.org

Leave a reply