Sa Hindi Pagbitaw ni Frenchie Mae Cumpio
January 27, 2026

Ibinahagi ni Frenchie ang tulang ito sa kanyang sulat-kamay noong mabalitaan ang nangyaring marahas na pagbuwag ng Tacloban City police sa protestang isinagawa ng mga estudyante ng UP system para sa GASC at UP Solidaridad noong Agosto 16, 2024.

Salamat
Hanggang ngayon mahigpit ang pagtangan
sa kabila ng ligalig at kagipitan
Sa gitna ng unos na bumubuhos sa bayan.

Dama ko ang pagod mo
Na isigaw ang katotohanang pilit na binubura
Ng mga ganid na nagpapakalat ng katha
At ikaw na nagsusumikap ang ginawa pang agaw-eksena.

Kaya salamat
Sa pagod at hirap na hindi iniinda
Sa minsang pagkalimot ng sariling pangungulila
Gayunma’y hindi nawawala ang pagkalinga para sa iba.

Muli, salamat
Sa hindi pagpapadaig sa pananakot ng mga uhaw
At kahit tila hindi sigurado sa araw-araw
Maraming salamat sa hindi pagbitaw.

Agosto 2022

———————————————————————-

Si Frenchie Mae Cumpio ay 26-taong gulang na community journalist na ipinakulong sa Tacloban City noong February 7, 2020, kasama ang church worker na si Marielle Domequil, sa bisa ng mga gawa-gawang kasong illegal possession of firearms, illegal possession of explosives, at financing terrorism. Siya ay nagsilbing executive director ng alternative media outfit na Eastern Vista at anchor ng programang Lingganay han Kamatuoran (Kampana ng Katotohanan) na umere sa Aksyon Radyo Tacloban.

Napawalang-sala ang dalawa sa mga kasong illegal possession of firearms and explosives, nguntin hinatulang “guilty” sa financing terrorism. Nagpapatuloy ang laban para palayain siya at ibasura ang mga kaso laban sa Tacloban 5.

Read more

Solons reject impeachment raps against Marcos Jr.

Solons reject impeachment raps against Marcos Jr.

By Raymund B. Villanueva Kodao Productions MANILA – Ferdinand Marcos Jr. dodged the impeachment bullet as a congressional committee overwhelmingly voted to declare the two complaints against him as “insufficient in substance.” Voting 42 in favor of the motion of...

Walang kukurap sa laban kontra-korap 

Walang kukurap sa laban kontra-korap 

Ni M.A. ABRILPinoy Weekly Mahiya naman kayo!” patama ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang ikaapat na State of the Nation Address sa mga opisyal ng gobyerno at kontratistang sangkot sa mga maanomalyang flood control project. Sinundan ito ng hiyawan. Hindi raw...

Kaso vs 7 inaresto sa Dupax del Norte, ibinasura

Kaso vs 7 inaresto sa Dupax del Norte, ibinasura

Ni CHARLES EDMON PEREZPinoyweekly.org Ibinasura ng Regional Trial Court (RTC) Branch 30 sa Bambang, Nueva Vizcaya ang mga kasong resistance and disobedience against persons in authority at obstruction of justice laban sa pitong dinampot ng pulisya noong Ene. 23 sa...

Want to stay updated?

Pin It on Pinterest

Share This