SATIRE: Mga ‘Pinklawan’ ang gumawa ng dokumentaryong ‘The Kingmaker’
April 29, 2022

Sa Reddit post ng user na si “angryadobo77” sa subreddit na ‘Philippines – all about the Philippines’ noong April 1, sinabing ang dokumentaryong “The Kingmaker” ay ginawa ng mga “Pinklawan,” na bansag sa mga indibidwal at mga grupong sumusuporta sa pagtakbo ni Vice President Leni Robredo sa pagkapresidente. Dagdag pa sa post, ginawa ang nasabing dokumentaryo ng mga tagasuporta ni Robredo para labanan ang “mataas na survey rating” ng katunggali ni Robredo sa eleksyon na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

CLAIM:

Ginawa ng mga “Pinklawan” ang dokumentaryong “The Kingmaker”

MARKA:

Satire

ANG KATOTOHANAN:

Ang “The Kingmaker” ay ginawa at inilabas ng US-based movie production house na Showtime, katuwang ang direktor nito, ang Emmy award winner na si Lauren Greenfield, noong 2019. Walang ebidensya na magpapatunay na may koneksyon ang Showtime Networks Inc. at si Greenfield sa campaign officials ni Robredo.

Ipinaliwanag din ni Greenfield sa isang interview na inakala niyang magiging “redemption story” ang dokumentaryo ng mga Marcos noong panahong ginagawa nila ito, kaya hinayaan niyang ikuwento mismo ni Imelda Marcos ang kaniyang buhay. Kabaliktaran ang kinalabasan ng dokumentaryo, nang naisiwalat pa lalo ang “walang habas na karangyaan” at malalim na pagpaplano ng dating first lady sa pagtatatag ng isang political dynasty. Nabuking din nito ang behind-the-scenes na koneksyon ng pamilyang Marcos sa pagkapanalo ni Duterte bilang presidente noong 2016.

Ang post na ito sa Reddit ay inilabas noong “April Fool’s Day,” at marami ring user ang nagkomento at naglinaw na isang biro ang mismong post.. Ang Reddit user na nag-post nito ay kilala rin sa pagbabahagi ng mga anti-Marcos na mga kwento sa kanyang account.

BAKIT KAILANGANG I-FACT CHECK:

Ang mga historical documentary tulad ng “The Kingmaker” ay sinasabing epektibong paraan para labanan ang historical revisionism at pagbabaluktot ng katotohanan, lalo na sa mga kwentong tungkol sa panahon ng Martial Law. Sa isang pag-aaral mula sa Journal of Media Practice, ipinaliwanag na ang mga dokumentaryong pangkasaysayan ay nanghihikayat ng “form of historiographic practice” na mas “reflexive, experimental, and critically aware,” lalo na’t dumaan ito sa masusing fact-checking at verification. Kahit na may mga pagkakataong nagkokomisyon ang mga indibidwal na may pulitikal na interes ng mga pelikula at dokumentaryo na pabor sa kanila, ang “The Kingmaker” ay malinaw na hindi tulad ng mga ito.

Ang “The Kingmaker” ay maaaring mapanood sa Vimeo nang libre, at meron din itong Filipino subtitles. – Maez Estrada at Joseph Gloria

Bahagi ang Altermidya Network ng #FactsFirstPH, na pinagsasama-sama ang iba’t ibang sektor na nakatuon sa pagtataguyod ng katotohanan sa pampublikong espasyo, at paghingi ng pananagutan sa mga nananakit dito sa pamamagitan ng kasinungalingan. Para sa mga interesadong sumali sa inisyatiba, mag-email sa info@factsfirst.ph.

Magbasa ng iba pang artikulo rito:

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

More stories

News in Pictures | Fil-Ams protest trilateral meeting in DC

News in Pictures | Fil-Ams protest trilateral meeting in DC

MANILA – Filipino-American activists protested Ferdinand Marcos Jr.’s visit to the United States for the first trilateral U.S.-Japan-Philippines leaders’ summit on April 11. The national day of action was led by the Bagong Alyansang Makabayan (Bayan)-US. Protests were...

Want to stay updated?

Pin It on Pinterest

Share This