Manggagawa ng URC, nagprotesta sa Cebu
February 21, 2023

Protesta ng mga manggagawa ng Universal Robina Corporation Cebu sa harap ng tanggapan ng Department of Labor and Employment. Larawan mula sa Aninaw Productions

Nagprotesta sa harap ng tanggapan ng Department of Labor and Employment (DOLE) Region VII ang mga manggagawa ng planta ng Universal Robina Corporation (URC) sa Mandaue City noong Pebrero 17 upang igiit ang regular na empleyo.

Naghain sila ng motion for reconsideration hinggil sa iligal na tanggalan na ginawa ng kumpanya noong April 2022.

Sa kabila ng pangakong i-absorb at ilipat ng agency, nasa 293 kontraktuwal na manggagawa, sa ilalim ng agency na People First Labor Service Cooperative (PFLSC), ang naiwan sa floating status.

Bukod sa kawalan ng regular na trabaho, kinakaharap din ng mga manggagawa sa Region VII ang napakataas na mga presyo ng pagkain at serbisyo.

Ayon sa Ibon Foundation, P1,235 ang tinatayang nakabubuhay na sahod sa rehiyon, malayo sa kasalukuyang P435 na minimum wage sa Cebu.

Pag-aari ng pamilyang Gokongwei ang URC na kilala sa mga produktong pagkain at inumin tulad ng Jack ‘n Jill, Nissin, C2, Swiss Miss at Vitasoy. Gumagawa rin ang kumpanya ng mga pagkain at gamot para sa livestock tulad ng manok at baboy.

Read more

MSMEs, nagkaisa vs taas-singil sa kuryente

MSMEs, nagkaisa vs taas-singil sa kuryente

Ni Donna Mae Delfin at Jenny Rose Flores Mas mahirap maging maliit na negosyante sa Pilipinas kaysa sa ibang bansa sa rehiyon. Ito ang hinaing ng mga negosyante, lokal na prodyuser, konsiyumer, at policymakers sa isang konsultasyon tungkol sa taas ng singil ng...

Residenteng kontra-mina, kinasuhan ng cyberlibel

Residenteng kontra-mina, kinasuhan ng cyberlibel

Naghain ang North Luzon Mineral Resources Corporation (NLMRC) ng cyberlibel complaint laban sa isang residente ng Kasibu, Nueva Vizcaya na lumalaban sa mineral exploration ng naturang kumpanya ng mina sa tinatayang 4,456 ektaryang lupa sa kanilang lugar. Isinampa ng...

Want to stay updated?

Pin It on Pinterest

Share This