SATIRE: Oxford University, nagpaskil ng ‘No Questions About Marcos Jr.’ sign?
March 18, 2022

Isang Twitter user na may pangalang “Philippine Daily Sun” ang nag-post ng larawan na nagsasabing naglagay ang Registrar’s Office ng Oxford University ng karatula na may kaugnayan sa presidential candidate na si Ferdinand Marcos Jr.

Makikita sa larawan ang karatula sa harap ng isang gusali sa Oxford, na nagsasabing, “No more questions about F. Marcos Jr. allowed. No, he did not graduate here.”

ANG SABI-SABI:

Ang Registrar’s Office ng Oxford University ay nagpataw ng patakarang “no more questions about Marcos Jr” (wala nang mga katanungan tungkol kay Marcos Jr).

MARKA

Ito ay SATIRE.

ANG KATOTOHANAN:

Malinaw na nakasaad sa Twitter bio ng Philippine Daily Sun na isa itong satire account. Ang kanilang content ay karaniwang naglalaman ng mga komentaryo tungkol sa pambansa at isyung politikal.

Ang larawang ginamit para sa sinasabing karatula sa kanilang tweet ay isang stock photo mula sa iStock na minanipula para maitapal sa stock photo ng Oxford University.

Gayunman, tama ang post sa pagsasabing hindi nagtapos sa Oxford University si Marcos Jr. Hindi natapos ng anak ng yumaong diktador ang kanyang degree sa BA in Philosophy, Politics, at Economics sa nasabing unibersidad. Sa halip, binigyan siya ng “special diploma” sa Araling Panlipunan (Social Studies). Nilinaw na ng Oxford na ang naturang diploma ay hindi katumbas ng degree sa kolehiyo.

Bukod sa Oxford University, hindi rin nakapagtapos ng pag-aaral sa Wharton School of the University of Pennsylvania si Marcos Jr. Sa isang ulat ng Vera Files, ipinaliwanag na ang dahilan kung paano nakapasok ang anak ng diktador sa Wharton School kahit na wala itong undergraduate degree, ay dahil sa malawak na koneksyon ng kanyang amang noo’y diktador sa Pilipinas.

BAKIT KAILANGNAG I-FACT CHECK:

Ang “Philippine Daily Sun” ay isang Twitter account na nagpo-post ng satirical tweets tungkol sa mga isyung pampulitika. Bagama’t hindi dapat seryosohin ang mga satirical post tulad nito, muling binabanggit ng nasabing post ang matagal nang pahayag ng presidential candidate tungkol sa kanyang educational background, isang pahayag na paulit-ulit na pinagtatalunan ng mga tao na umabot sa pagtatanong ng karamihan sa Oxford para mabigyang-linaw ang isyung ito. Ito ang pinaniniwalaang pangunahing punto ng nasabing satirical post.

Sa ngayon, umabot na ng 1,857 followers ang Philippine Daily Sun, at ang nasabing tweet ay umabot na ng 41 ang reply, 185 na retweet, 87 na quote tweet, and 888 likes. Rome Medina at Neil Dizon

Bahagi ang Altermidya Network ng #FactsFirstPH, na pinagsasama-sama ang iba’t ibang sektor na nakatuon sa pagtataguyod ng katotohanan sa pampublikong espasyo, at paghingi ng pananagutan sa mga nananakit dito sa pamamagitan ng kasinungalingan. Para sa mga interesadong sumali sa inisyatiba, mag-email sa info@factsfirst.ph.

Magbasa ng iba pang artikulo rito:

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

More stories

News in Pictures | Fil-Ams protest trilateral meeting in DC

News in Pictures | Fil-Ams protest trilateral meeting in DC

MANILA – Filipino-American activists protested Ferdinand Marcos Jr.’s visit to the United States for the first trilateral U.S.-Japan-Philippines leaders’ summit on April 11. The national day of action was led by the Bagong Alyansang Makabayan (Bayan)-US. Protests were...

Want to stay updated?

Pin It on Pinterest

Share This