FACT CHECK: Libreng pagkain at aliw lang ang habol ng mga nagpunta sa EDSA People Power, sabi ni Gadon
May 6, 2022

Noong Abril 16, ibinahagi ng SMNI ang isang Youtube video na pinamagatang ‘Atty. Gadon: Yung People Power Revolution, Fake yan.’ Ang video na ito ay bahagi ng panayam ng may-ari ng SMNI na si Apollo Quiboloy kasama ang senatorial aspirant at suspendidong abogado na si Lorenzo ‘Larry’ Gadon, kung saan iginiit ni Gadon na libreng pagkain at aliw lamang ang habol ng mga nagmartsa sa kalye noong 1986 EDSA People Power.

ANG SABI-SABI: 

Libreng pagkain at aliw lang ang habol ng mga nagpunta sa EDSA People Power

MARKA:

HINDI TOTOO 

ANG KATOTOHANAN: 

Maiging nadokumento ang naging takbo ng 1986 EDSA People Power. Maraming saksi at kalahok sa makasaysayang pag-aalsang ito ang nakapagkwento kung gaano karami ang nagbahagi ng pagkain at tubig sa mga nagtipon sa EDSA. Walang mga beteranong kalahok sa EDSA People Power ang nagsabing pumunta lamang sila doon para sa pagkain at manood ng mga nagtatanghal na artista.

BAKIT KAILANGANG IFACT-CHECK: 

Kahit na madalas siyang laman ng fact-check reports, patuloy na naglalabas ng maling impormasyon si Gadon kasama ang SMNI. May 1.01 milyon na subscribers ang SMNI sa YouTube. Sa kasalukuyan, ang panayam na ito ni Gadon ay umani na ng 104,799 views, 5,300 likes at 795 komento. – Vanessa Adolfo at Jamaica Marciano 

Bahagi ang Altermidya Network ng #FactsFirstPH, na pinagsasama-sama ang iba’t ibang sektor na nakatuon sa pagtataguyod ng katotohanan sa pampublikong espasyo, at paghingi ng pananagutan sa mga nananakit dito sa pamamagitan ng kasinungalingan. Para sa mga interesadong sumali sa inisyatiba, mag-email sa info@factsfirst.ph.

Magbasa ng iba pang artikulo rito:

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

More stories

News in Pictures | Fil-Ams protest trilateral meeting in DC

News in Pictures | Fil-Ams protest trilateral meeting in DC

MANILA – Filipino-American activists protested Ferdinand Marcos Jr.’s visit to the United States for the first trilateral U.S.-Japan-Philippines leaders’ summit on April 11. The national day of action was led by the Bagong Alyansang Makabayan (Bayan)-US. Protests were...

Want to stay updated?

Pin It on Pinterest

Share This