Nagprotesta ang mga manggagawa at iba’t ibang grupo sa pangunguna ng All Philippine Trade Union ngayong Pandaigdigang Araw ng Paggawa sa Maynila.
Sa paggunita ng unang Mayo Uno sa ilalim ng Marcos Jr. administration, nanawagan ang libo-libong manggagawa para sa nakabubuhay na sahod, seguridad sa kabuhayan, at pagtataguyod sa kanilang mga karapatan sa paggawa at pag-oorganisa.
Nagmartsa rin ang mga manggagawa at iba’t ibang sektor mula Mendiola patungong US Embassy para kundenahin ang pagbisita ni President Ferdinand Marcos Jr. kay US President Joe Biden, sa halip na tugunan ang kahilingan ng mga manggagawa ngayong #MayoUno23.