FACT CHECK: Quiboloy, inakusahang ‘CPP-NPA-NDF lovers’ sina Lacson, Moreno, Pacquiao, Robredo
March 18, 2022

Nitong Enero 27, binansagang “CPP-NPA-NDF lovers” ni Pastor Apollo Quiboloy ang mga kumakandidato sa pagkapangulo na sina Ping Lacson, Isko Moreno, Manny Pacquiao, at Leni Robredo matapos nilang ipahayag sa Jessica Soho Presidential Interviews noong Enero 22 na bukas sila sa pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at ng Communist Party of the Philippines (CPP).

Sa kanyang programa sa SMNI News Channel, sinabi ni Kingdom of Jesus Christ founder at Executive Pastor Apollo Quiboloy na ang isinusulong na usapang pangkapayapaan ng CPP-NPA-NDF ay para lamang sa kapakinabangan nila kaya hindi dapat iboto ang mga kandidatong pumapabor dito.

ANG SABI-SABI:

Ang mga kandidatong bukas sa pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan ay “CPP-NPA-NDF lovers”

MARKA:

HINDI TOTOO

ANG KATOTOHANAN:

Nagsimula ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng CPP at ng pamahalaan sa panahon ni dating Pangulong Corazon Aquino noong 1986. Subalit hindi nagtuloy-tuloy ang usapan hanggang sa kasalukuyan. Layunin ng mga nagdaang negosasyon na magkaroon ng pagkakaisa ang pamahalaan at ang CPP at matigil ang ilang dekadang tunggalian.

Ipinahayag ng mga kandidato sa pagkapangulo ang kanilang suporta sa pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan, pero hindi sila tahasang nagpahayag ng suporta sa CPP.

BAKIT KAILANGANG I-FACT CHECK:

Sa kasalukuyan, may 1.2 milyong followers ang page ni Pastor Quiboloy sa Facebook. Ang quote card na nai-post noong Enero 28, 2022 ay naibahagi nang mahigit 299 beses at may 80 komento. Ang Facebook stream na naka-link sa post kung saan ipinalabas niya ang mga sentimentong ito ay may mahigit 10,000 views at may 2,900 comments, habang ang YouTube stream ay may 12,551 views, at may 976 likes at 29 comments. – Philip Mateo at Lyka Naranjo

Bahagi ang Altermidya Network ng #FactsFirstPH, na pinagsasama-sama ang iba’t ibang sektor na nakatuon sa pagtataguyod ng katotohanan sa pampublikong espasyo, at paghingi ng pananagutan sa mga nananakit dito sa pamamagitan ng kasinungalingan. Para sa mga interesadong sumali sa inisyatiba, mag-email sa info@factsfirst.ph.

Magbasa ng iba pang artikulo rito:

Read more

Ambush on Abra mayoral candidate’s convoy kills two

Ambush on Abra mayoral candidate’s convoy kills two

By ARTEMIO DUMLAOwww.nordis.net BAGUIO CITY— Two people were killed, and another was injured after unidentified gunmen ambushed the convoy of Pidigan mayoralty candidate and former Langiden Mayor Artemio “Billy Boy” Donato Jr. on Friday afternoon, February 28, at...

Seach continues for two missing activists in Bicol

Seach continues for two missing activists in Bicol

LEGAZPI CITY - Families of the victims, Karapatan Bikol, Hustisya, and Desaparecidos reiterate the call to urgently and safely surface Felix Salaveria Jr., James Jazmines, and all victims of enforced disappearances, March 1. It has been six (6) months since their...

Want to stay updated?

Pin It on Pinterest

Share This