FACT CHECK: Walang inihahapag na plataporma si VP Robredo, ayon kay Gadon
May 6, 2022

Noong Abril 17, nagsimulang kumalat sa social media ang video ng suspendidong abogado at kumakandidatong senador na si Lorenzo “Larry” Gadon kung saan sinabi niyang walang adbokasiya, programa at platapormang inihahain si Vice President Leni Robredo na tumatakbo bilang pangulo. Iginiit pa ni Gadon na ang dahilan ng pagtakbo ni Robredo ay para lamang talunin ang kalabang si Ferdinand Marcos Jr.

Ang video ay sipi mula sa panayam ni Gadon sa istasyon ng radyo ng SMNI na DZAR 1026 at nakapost rin sa Facebook page na “Atty. Larry Gadon 2022.”

ANG SABI-SABI: 

Walang inihahaing plataporma si VP Robredo

MARKA: 

HINDI TOTOO 

ANG KATOTOHANAN: 

Sa marami nang pagkakataon mula nang ideklara ni VP Robredo ang kanyang pagtakbo, inilahad niya ang kanyang mga plano at plataporma sakaling siya’y mahalal bilang pangulo.

Kasama sa binibigyang-diin ng kanyang plataporma ang “hanapbuhay para sa lahat”, isang plano para sa pagbangon ng ekonomiya, na inilahad niya noong Disyembre ng nakaraang taon. Sa kalusugan, bitbit ni Robredo ang planong “kalayaan sa COVID,” ang tatlong-puntong programa na layuning tugunan ang isyu ng estratehiya ng gobyerno sa pagharap sa COVID, kaugnay ng isyu ng kagutuman, at isyu ng edukasyon.

BAKIT KAILANGANG I-FACTCHECK: 

Ilang beses nang pinuna si Gadon, kasama ang SMNI kung saan siya madalas na lumalabas, dahil sa paglalabas ng maling impormasyon. Ang nasabing video ay mayroon nang 131,000 views, 21,000 mga reaksyon, at 1,800 komento. – Vanessa Adolfo at Jamaica Marciano

Bahagi ang Altermidya Network ng #FactsFirstPH, na pinagsasama-sama ang iba’t ibang sektor na nakatuon sa pagtataguyod ng katotohanan sa pampublikong espasyo, at paghingi ng pananagutan sa mga nananakit dito sa pamamagitan ng kasinungalingan. Para sa mga interesadong sumali sa inisyatiba, mag-email sa info@factsfirst.ph. 

Magbasa ng iba pang artikulo rito:

0 Comments

Submit a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

More stories

News in Pictures | Fil-Ams protest trilateral meeting in DC

News in Pictures | Fil-Ams protest trilateral meeting in DC

MANILA – Filipino-American activists protested Ferdinand Marcos Jr.’s visit to the United States for the first trilateral U.S.-Japan-Philippines leaders’ summit on April 11. The national day of action was led by the Bagong Alyansang Makabayan (Bayan)-US. Protests were...

Want to stay updated?

Pin It on Pinterest

Share This